Pinas, pinaigting at dinagdagan ang mas maraming maritime patrols
- Published on October 26, 2023
- by @peoplesbalita
PINAIGTING at dinagdagan ng Pilipinas ang pagsasagawa ng mas maraming maritime patrols at freedom of navigation missions sa West Philippine Sea.
Kamakailan lamang kasi ay may nangyaring banggaan sa pagitan ng Chinese vessel at Philippine vessel sa karagatan ng pinag-aagawang teritoryo malapit sa Ayungin Shoal o Ren Ai’ Jiao naman sa China.
Sinabi ni National Security Council assistant director general Jonathan Malaya, ang pagdaragdag ng patrols ay bunsod na rin ng na-monitor na “a large number of Chinese maritime militia vessels” hindi lamang malapit sa Ayungin kundi sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) at Sabina (Escoda) Shoal.
“We are alarmed by the environmental degradation our Coast Guard ships were able to monitor in these areas,” ayon kay Malaya sa isang panayam.
Kaya nga umapela si Malaya sa China na “act responsibly” at igalang at sundin ang international law.
Ang Beijing ay isa sa mga signatory ng United Nations Convention on the Law of the Sea or UNCLOS.
Sa kabilang dako, inakusahan ni Malaya ang China ng pagsasagawa ng tinatawag na “malign information operation” kung saan ang “false narratives” ay ibinahagi sa publiko.
“Some critics are saying this is just posturing on the part of the Philippines… This is a battle for the resources of our country particularly those for our fishermen,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
Trabaho sa Korte, suspendido sa Oct 14 at 15
SUSPENDIDO ang trabaho sa mga Korte sa Manila at Pasay sa Okt.14 at 15 ,2024 . Sa memorandum order na inilabas ni Acting Chief Justice Matvic M.V.F Leonen, inanunsyo na kasama sa suspendido ang trabaho sa Korte Suprema, Court of Appeals at lahat ng first at second level courts sa nabanggit ng dalawang lungsod […]
-
15 katao patay dahil kay “Enteng”; PBBM ipinag-utos ang mahigpit na pagbabantay sa dam
UMABOT na sa 15 katao ang nasawi mula sa nagsamang epekto ng Tropical Storm Enteng (international name Yagi) at southwest monsoon o “habagat”. Sa isang situation briefing na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) office sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Office of […]
-
Lassiter kasama na sa PBA history
KASAMA na ngayon ang pangalan ni San Miguel outside sniper Marcio Lassiter sa kasaysayan ng Philippine Basketball Association (PBA). Nagsalpak si Lassiter ng apat na three-point shots sa 131-82 paglampaso ng Beermen sa Ginebra Gin Kings noong Linggo sa PBA Season 49 Governors’ Cup para maging bagong all-time leading three-point scorer. […]