• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas prayoridad sa COVID-19 vaccine – Chinese exec

Nangako ang China na bibigyang prayoridad ang Pilipinas sakaling makabuo ito ng bakuna laban sa COVID-19.

 

Ito ang sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesman Wang Wenbin matapos ang pag-uusap sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese leader Xi Jinping.

 

Ayon kay Wang, na sa simula pa lamang ng COVID-19 outbreak ang Pilipinas at China ay nagtutulungan pagda­ting sa mutual assistance kaya nagkaroon ng koo­perasyon ang dalawang bansa kaya tumutok sila sa bilateral relations.

 

Matatandaan na noong SONA ni Pangulong Duterte, sinabi niya na nakausap niya si Xi at pinasiguro niya dito na bibigyang prayoridad ang Pilipinas para makakuha ng bakuna laban sa coronavirus.

 

Ang Pilipinas ang isa sa may pinakamataas na infection rates sa Southeast Asia na umabot na sa 83,673 kaso at 1,947 deaths.

 

Habang patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 partikular na sa Metro Manila. (Ara Romero)

Other News
  • Binasag ang pangako na ‘di nila panonoorin ang love scenes: CARMINA, ‘di nakatiis dahil sa viral na lampungan nina ZOREN at LIANNE

    NANGAKO ang mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na hindi nila papanoorin ang mga ginagawa nilang love scenes sa mga kinabibilangan nilang teleserye.       Pero binasag ni Mina ang pangako na ito dahil hindi siya makatiis na panoorin ang mga lampungan na eksena ni Zoren with Lianne Valentin sa teleserye na ‘Apoy Sa […]

  • PBBM, ikakasa ang malawakang balasahan sa SRA sa gitna ng sugar import mess, ipinaubaya na sa Kongreso ang imbestigasyon

    MAGSASAGAWA si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  ng malawakang balasahan sa  Sugar Regulatory Administration (SRA) kasunod ng pagbibitiw sa tungkulin ng mga  key officials nito dahil sa kontrobersiyal na sugar import resolution.     Sinabi ni Pangulong Marcos, pinuno ng  Department of Agriculture, na ang nakaambang na  reorganisasyon sa ahensiya, may layong i-promote ang paglago ng […]

  • Bersamina gold sa Asian chess board 3

    PINANGIBABAWAN ni International Master Paulo Bersamina ang impresibong ipinakita ng Pilipinas sa individual board awards sa patuloy ding ginaganap na Asian Nations Online Chess Cup nang makasakote ng gold medal sa board three.   Umiskor ang 22 taong-gulang na Pinoy woodpusher ng 7.0 points sa likod ng six wins at two draws at loss sa […]