Pinas prayoridad sa COVID-19 vaccine – Chinese exec
- Published on July 31, 2020
- by @peoplesbalita
Nangako ang China na bibigyang prayoridad ang Pilipinas sakaling makabuo ito ng bakuna laban sa COVID-19.
Ito ang sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesman Wang Wenbin matapos ang pag-uusap sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese leader Xi Jinping.
Ayon kay Wang, na sa simula pa lamang ng COVID-19 outbreak ang Pilipinas at China ay nagtutulungan pagdating sa mutual assistance kaya nagkaroon ng kooperasyon ang dalawang bansa kaya tumutok sila sa bilateral relations.
Matatandaan na noong SONA ni Pangulong Duterte, sinabi niya na nakausap niya si Xi at pinasiguro niya dito na bibigyang prayoridad ang Pilipinas para makakuha ng bakuna laban sa coronavirus.
Ang Pilipinas ang isa sa may pinakamataas na infection rates sa Southeast Asia na umabot na sa 83,673 kaso at 1,947 deaths.
Habang patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 partikular na sa Metro Manila. (Ara Romero)
-
Cardinal Tagle, binigyan ni Pope Francis ng dagdag posisyon sa Vatican
Itinalaga ni Pope Francis si Luis Antonio Cardinal Tagle bilang miyembro ng Congregation for the Oriental Churches. Ayon Vatican, dahil sa bagong trabaho ni Tagle ay patuloy na ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Oriental Catholic Churches para tulungan ang mga ito sa proteksyon ng kanilang karapatan at pagmantine sa pagkakaroon ng isang Catholic Church. […]
-
Mga nasawi sa buong mundo sanhi ng COVID-19, lagpas 3K na
LAGPAS 3,000 na ang bilang ng mga nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19 as of March 2, kasabay ng pagtatala ng 42 pang mga nasawi mula China. Mula Hubei province ang lahat ng mga bagong nasawi, ayon sa National Health Commission, dahilan para umakyat na sa 2,912 ang mga namatay sa mainland China. […]
-
KIKO at HEAVEN, tila nabuking sa relasyon at tama ang hinala ni DEVON
BAKUNADO na ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera. At si Dingdong nga ang nag-initiate na marami na sa mga kasamahan nila, lalo na sa industriya ang mabakunahan. Ang mga PPL Entertainment Inc. at All Access to Artists ay mga kasabay nila na nagpabakuna, same sa mga riders ng Dingdong.ph at ilang […]