Pinas, puntirya na makakuha ng 202 million doses ng COVID-19 vaccines
- Published on May 15, 2021
- by @peoplesbalita
MULA sa inisyal na target na 148 milyon ay puntirya na ngayon ng Pilipinas na makakuha ng 202 million doses ng COVID-19 vaccines.
Sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. na target na ng bansang bumili ng 158 million doses at tumanggap ng dagdag na 44 million doses mula sa Covax Global vaccine sharing facility matapos tumaas ang produksyon ng bakuna.
Ito’y kasunod na rin nang pagtupad ng World Health Organization at Covax Facility sa commitment nito, pagbabahagi ng mga mayayamang bansa ng sobrang bakuna nila at pakikipag negosasyon ng gobyerno sa vaccine manufacturers.
Aniya, nakuha na ng bansa sa murang presyo ang mga bakuna kaya’t makaka-secure na ang Pilipinas ng 202 million doses nito na kinabibilangan ng 40 million doses mula sa Pfizer BioN’tech kung saan pipirmahan nito at ng Pilipinas ang terms para rito.
“Dahil nakuha natin mababa yung presyo, ngayon po ang makukuha natin ay 202 million doses,” ayon kay Galvez sa Talk To The People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Huwebes ng gabi.
“Among these will be 40 million doses of the Pfizer-BioNTech vaccine, for which the Philippines and Pfizer are about to sign a head of terms,” dagdag na pahayag ni Galvez.
Sa kabilang dako, inaasahan naman ng bansa na tataas ang vaccine inventory nito sa second quarter ng taon.
“Dati po, in the first quarter, the vaccines were coming in trickles. Ngayon po, they’re coming in millions,” aniya pa rin.
Samantala, umabot na sa kabuuang 4 na milyon vaccine doses mula sa buwan ng Pebrero hanggang Abril ang natanggap ng bansa habang mayroon namang natanggap ang bansa na 3,753,450 doses para sa buwan ng Mayo. Ito ay kinabibilangan ng:
1. 30,000 Sputnik V doses mula sa Russian manufacturer Gamaleya Institute
2. 1,500,000 Sinovac doses na binili ng pamahalaan
3. 2 million AstraZeneca doses mula sa COVAX facility
4. 193,050 Pfizer-BioNTech doses mula sa COVAX facility
Inaasahan naman na makatatanggap ang Pilipinas ng 7,753,450 doses ngayong buwan. Kabilang na rito ang 2.2 million doses ng Pfizer-BioNTech vaccine mula sa COVAX—”almost double the amount the Philippines was initially set to receive for this month,” ayon kay Galvez.
“Supposed to be 1.2 million lang ang makukuha natin na Pfizer, pero nagtanong sila, ‘Kaya ninyo bang i-administer yung 2.2 million ngayong May?’ Sinabi po namin, ‘Kayang-kaya naming itanggap, so yung Pfizer makukuha natin yung 2.2 million this May, sa COVAX,” lahad nito.
Inaasahan din ng bansa ang 500,000 Sinovac doses sa Mayo 20 at maging ang 1.3 million na Sputnik V doses, kabilang na ang 300,000 na darating sa susunod na linggo.
Inaasahan din ng pamahalan na makatatanggap ng 10.05 million vaccine doses sa Hunyo. Ito’y kinabibilangan ng:
1. 2 million AstraZeneca doses na mapupunta sa LGUs na ia- administered bilang second dose
2. 1.3 million AstraZeneca doses para sa pribadong sektor
3. Ang first shipment ng Moderna vaccines sa bansa na kinabibilangan ng 250,000 doses
4. 4.5 million Sinovac doses, kabilang na ang 500,000 para sa Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII)
5.2 million Sputnik V doses
“Ang magiging inventory natin by the end of June ay 21,829,050,” ang pahayag ni Galvez.
-
Mga nurse sa bansa in-demand pa rin sa abroad -DOLE
NANANATILI pa ring in-demand ang mga Filipino nurses sa ibang bansa kahit na may ipinapatupad ang gobyerno ng temporary ban dahil sa COVID- 19 pandemic. Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, na masipag ang mga Filipino nurses kaya in-demand pa rin ang mga ito sa ibang bansa. […]
-
NBA, kinansela ang laban ng Miami Heat at Atlanta Hawks dahil sa Hurricane Milton
KINANSELA ng National Basketball Association ang nakatakdang laban sa pagitan ng Miami Heat at Atlanta Hawks dahil sa banta ng Hurricane Milton. Ang naturang laban ay nakatakda sana sa araw ng Biyernes, Oct. 11 sa Kaseya Center, ngunit dahil sa banta ng naturang bagyo ay kinailangan itong pansamantalang kanselahin. Ayon sa […]
-
PSC nagpaumanhin sa pamilyang Eala
KLINARO ng Philippine Sports Commission, (PSC) na nagka-misinformation sa P3M na pinansiyal na suporta para kay tennis teen star Alexandra ‘Alex’ Eala, kaya nagpa-erratum sa official Facebook page ang government sports agency nitong Linggo upang maitama ang kamalian. Erratum: “PSC would like to correct previous posting made today of a P3-Mi assistance for Alex […]