Pinas sa China: P60 milyong sinira sa Ayungin incident bayaran n’yo
- Published on July 6, 2024
- by @peoplesbalita
SINABIHAN ng Tsina ang Pilipinas na “face the consequences of its own actions” matapos humirit ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na pagbayarin ng P60 milyon ang Chinese government para sa danyos na dinulot ng China Coast Guard (CCG) sa barko ng Pilipinas noong Hunyo 17.
Para kay Mao Ning, spokesperson para sa China’s Foreign Ministry na ang aksyon ng Tsina laban sa Pilipinas ay makatuwiran dahil ipinagtatanggol lamang nito ang sinasabing kanilang soberanya sa katubigan.
“The Philippine vessels were carrying out an illegal resupply mission which violated China’s territorial waters and staging a provocation when stopped by China Coast Guard, who acted lawfully and rightfully to defend China’s sovereignty,” ayon kay Mao.
Sa ulat, noong Hunyo 17 ay nagkaroon ng banggaan ang Philippine Navy at CCG matapos harangin ng huli ang resupply mission ng puwersa ng pamahalaan sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Sinira ng CCG ang dalawang motorboats gayundin ang mga personal na gamit ng ilang Navy officers bukod pa sa pagkuha ng baril ng mga ito.
Pinapasoli rin ng AFP ang pitong baril na kinumpiska ng CCG.
Ayon kay Brawner, dapat lang pagbayarin ang China sa danyos at abala na kanilang ginawa sa mga Navy officers.
Subalit, muling sinabi ni Mao na ang Philippine troops na nagsasagawa ng resupply mission sa grounded BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal ang nagpilit na pumasok sa katubigan ng Tsina, ang claim nito na matagal nang pinawawalang-bisa ng international law at 2016 Arbitral Award.
“China Coast Guard responded with law enforcement measures that are fully legitimate, justified and lawful,” ayon kay Mao.
“We urge the Philippines to stop the infringement activities and provocations, and return to the right track of properly handling differences through dialogue and consultation,” diing pahayag nito. (Daris Jose)
-
Mas maiksing quarantine para sa mga fully vaccinated health workers, pinayagan na ng IATF
APRUBADO na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mas maiksing isolation at quarantine periods para sa mga fully vaccinated health workers na infected o exposed sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19). Inanunsiyo ito ni Presidential Spokesperson Karlo Nograles matapos ang pahayag ng ilang mga ospital na kulang sila sa personnel matapos ang biglaang pagtaas […]
-
Inflation rate umariba sa 6.4% nitong Hulyo
NANANATILING mabilis ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin nitong nakaraang buwan, ito kasabay ng pagtaas ng self-rated poverty ng mga Pilipino sa survey ng Social Weather Stations (SWS). “The Philippine’s annual headline inflation continued its uptrend as it moved up further to 6.4 percent in July 2022, from 6.1 percent in June […]
-
Never nag-regret na nagpakasal: CARLA, wala ng chance na makikipagbalikan pa kay TOM
NALUNGKOT ang mga fans ng Pambansang Ginoo na si David Licauco, nang aminin niya sa interview ng Kapuso Showbiz News, na nakakaranas siya ng sleep apnea, at kailangan niyang magpagamot sa isang specialist. Ngayon pa naman namamayagpag ang career ni David sa pagganap niya bilang si Fidel, katambal si Barbie Forteza as Klay, […]