• March 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, South Korea kailangan na magtulungan sa pagpo-promote ng rules-based order

KAILANGANG magsanib-puwersa ang Pilipinas at South Korea sa pagpo-promote ng rules-based international order na pangangasiwaan ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at 2016 Arbitral Award.

 

Sa isinagawang bilateral meeting ng Pangulo kay South Korean President Yoon Suk Yeol, sinabi ng una na panahon na para sa dalawang bansa na itaas ang kanilang relasyon sa isang “strategic relationship.”

 

”This idea must be as concrete as the foundations from which our bilateral relationships stand. As the geopolitical environment is only becoming more complex, we must work together to achieve prosperity for our peoples and to promote a rules-based order governed by international law, including the 1982 UNCLOS and the binding 2016 Arbitral Award,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

Sinabi pa niya na ang Pilipinas at South Korea ay mayroong matatag na partnership sa iba’t ibang larangan ng kooperasyon kabilang na ang ‘tanggulan at seguridad, maritime cooperation, kalakalan, development, at people-to-people exchanges. ‘

 

”From here, there is nowhere else to go but up,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

Matatandaang nagpahayag ng pangamba ang South Korea ukol sa mapanganib na aksyon ng puwersa ng mga tsino sa South China Sea.

 

Samantala, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos si Yoon para sa pagpapaunlak sa kanyang imbitasyon sa Pilipinas, na nasabay naman sa ika-75 taong anibersaryo ng diplomatic relations ng dalawang bansa.

 

”So, I look forward that your visit will bring a very meaningful meeting between our two countries, not only on the political level but on the levels of the other sectors such as trade, defense and security, and whatever else you and I will be able to identify as areas we should explore,” ang sinabi ng Punong Ehekutibo. (Daris Jose)

Other News
  • Comelec, binabantayan ang posibleng paglipana ng mga flying voter

    TINIYAK ng Commission on Elections na hindi na makakalusot ang mga botante na nagnanais magkaroon ng multiple registration para makaboto sa ilang presinto sa susunod na halalan.     Ayon kay Comelec spokesperson Atty Rex Laudiangco, binabantayan na ng komisyon ang posibilidad ng paglipana ng mga naturang botante o tinatawag ding flying voter.     […]

  • Top 8 most wanted person sa Valenzuela, nabitag sa Pangasinan

    NAGWAKAS na ang mahigit sampung taon na pagtatago sa batas ng isang lalaki na nasa top 8 most wanted person ng Valenzuela City Police Station (VCPS) matapos kumagat sa pain ng pulisya na makipag-date na dahilan ng pagkakaaresto sa kanya sa Pangasinan.     Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito […]

  • SWS survey na nagsasabing bumuti ang lagay ng 32% adult Filipino, pruweba na epektibo ang hakbang ng gobyerno kontra Covid response–Malakanyang

    LABIS na ikinatuwa ng Malakanyang  ang pinakahuling survey ng SWS na nagsasabing 32% ng  adult Filipino ang nagpahayag na mas maayos ang kanilang buhay nitong April 2022 kumpara sa  24% noong December 2021.      Sinabi ni Presidential Communications Secretary at Acting Presidential Spokesperson Sec. Martin M. Andanar, isa lamang itong patunay na epektibo ang […]