• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, South Korea lumagda sa free trade deal

ISANG free trade agreement (FTA)  ang nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at South Korea sa sidelines ASEAN Summit sa Indonesia.

 

 

Inaasahan na ang nasabing kasunduan ay makapagpapalakas sa investment relations at makalilikha ng trabaho sa Pilipinas.

 

 

Sa kanyang report sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang paglagda sa  FTA  ay “clearly demonstrates the shared commitment of both countries to their mutual economic growth and development.”

 

 

“The FTA will strengthen our bilateral trade and investment relations with the Republic of Korea especially as it generates jobs and contributes to the Philippines’ value proposition as an ideal regional hub for smart and sustainable investments,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

 

Ang naturang kasunduan ay isnag mahalagang hakbang para sa pagsusulong ng ‘economic friendship’ ng dalawang bansa.

 

 

Binigyang diin ng Pangulo na patunay din ito na marami ang umaasam sa kolaborasyon ng Maynila at Seoul.

 

 

Nagtapos ang pag-uusap ng dalawang bansa hinggil sa free trade pact noong 2021.  (Daris Jose)

Other News
  • 3 bansa, kinukunsidera bilang employment markets para sa OFWs- POLO

    TATLONG bansa ang kinukunsidera bilang  employment markets para sa Overseas Filipino Workers (OFWs), ayon sa ulat ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Lebanon.     Sinabi ni Labor Attache Alejandro Padaen na tinitingnan nila ang bansang  Turkey, isa rin sa ilalim ng hurisdiksyon ng POLO kasama na rin ang mga bansang Georgia, Azerbaijan, at […]

  • Paniwala na may kanya-kanyang timeline: BEA, ‘di nagmamadali o nakikipag-unahan na mag-asawa at magka-anak

    SA ‘Ask Away’ ng Kapuso actress na si Bea Alonzo sa kanyang Instagram Story, may isang netizen na nagtanong ng, “You’re not getting any younger po, when will you get married and have kids like Marian, Anne, Jennylyn, etc.?”     At maayos at pabiro naman niya itong sinagot na, “May taxi?!”     Dagdag […]

  • PBBM, pinayagan ang adopsyon ng hybrid rice para palakasin ang pag-ani ng pananim

    PINAYAGAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-adopt  sa hybrid rice bilang “better alternative” sa  inbred variety para itaas ang crop production.     Ito’y makaraang makipagulong si Pangulong Marcos sa SL Agritech Corporation (SLAC), kung saan ang tumayong kinatawan ay si  SLAC chairman at chief executive officer (CEO) Henry Lim Bon Liong, at […]