• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, tanggap ang epekto ng ekonomiya sa pagtaas ng taripa sa Estados Unidos sa ilalim ng administrasyong Trump

MAY BITBIT na mataas na panganib ang pagbabalik ni President-elect Donald J. Trump sa kapangyarihan dahil sa napipintong pagpapatupad nito ng 20% taripa sa sa mga non-China countries.

 

 

Maaaring magkaroon ito ng negatibong epekto sa ekonomiya ng Pilipinas.

 

 

“Imposing tariffs of 20 percent on non-China countries and 60 percent on China could affect the global economy, “and that’s what will worry us,” ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio M. Balisacan nang tanungin ukol sa potensiyal na epekto ng pagbabalik ni Donald Trump.

 

 

“Of course, prices will be higher in the U.S., and that will put pressure on inflation and the purchasing power of the population,” ang sinabi ni Balisacan.

 

 

Gayunman, sinabi ni Balisacan na maaaring mag-adapt ang bansa ng anumang polisiya ng US administration at “can work with any government.”

 

 

Sinabi pa nito na ang lumalagong relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos ay makatutulong sa bansa na ma-adapt sa global economic shifts at mapangasiwaan ang potensiyal na panganib.

 

 

Tiniyak naman ni Balisacan na itinutulak na ng Pilipinas ang export market diversification sa pamamagitan ng bagong trade agreements sa mga bansang gaya ng Korea, UAE, at EU para bawasan ang ‘economic vulnerability.’

 

 

“We have been pushing and have been more aggressive in opening up other channels, like our free trade agreements with other countries,” aniya pa rin.

 

 

Idinagdag pa ni Balisacan na ang layunin ay magtatag ng mas maraming free trade agreements (FTAs), kapuwa sa bilateral at multilateral, para lumikha ng bagong oportunidad at pagiba-ibahain ang ‘exports at imports.’

 

 

“Recently, the economic team’s visit to London sparked strong interest from British investors in Philippine opportunities, with plans to continue discussions, ” ang sinabi ni Balisacan.

 

 

“In line with this, high-level discussions are ongoing between the Philippine government, international counterparts, and businesses to drive economic diversification,” aniya pa rin sabay sabing “I can assure you that we are very mindful of the need to diversify our economy.”

 

 

Ang hakbang na ito ay mahalaga para pagaanin ang epekto ng biglaang protectionist measures mula sa mga major partners, na maaaring makapinsala sa long-term efficiency at lumikha ng karagdagang mga isyu.

 

 

“Ideally, the U.S. would avoid such isolationist policies, as they may ultimately prove counterproductive,” ang sinabi pa rin ni Balisacan. (Daris Jose)

Other News
  • Nahihiya lang tanungin ang anak-anakan niya: SHARON, magiging masaya ‘pag naging sina ALDEN at KATHRYN na

    NATANONG nga si Megastar Sharon Cuneta tungkol sa sinasabing namumuong relasyon sa pagitan ng kanyang anak-anakan na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.   Nakasama ni Sharon si Kathryn bilang anak niya sa 2018 movie na “Three Words to Forever,” at si Alden naman ay gumanap na anak niya sa Metro Manila Film Festival 2023 […]

  • Bukod pa kanyang pagiging Navy reservist: KYLE, very vocal sa pagsasabing papasukin ang pulitika balang-araw

    NGAYONG nasa Viva na si Kyle Velino, biglang naiba ang kanyang landas, matapos niyang magpaka-daring noon sa Boy’s Love series na ‘Gameboys’.     Sa ‘Martyr Or Murderer’ kasi, ginagampanan niya ang papel ni Greggy Araneta. Bukod dito, very vocal si Kyle sa pagsasabing nais niyang pasukin ang pulitika balang-araw.   “Medyo sineseryoso ko po […]

  • Badminton tournament sa Hong Kong muling kinansela sa ikatlong pagkakataon

    KINANSELA  ng Badminton World Federation (BWF) ang kanilang nalalapit na Hong Kong Open tournament dahil pa rin sa banta ng COVID-19.     Ang nasabing torneo na gaganapin sa Nobyembre ay siyang pangatlong pagkakataon na ito ay ang kinansela.     Ang Super 500 tournament ay gaganapin sa Kowloon mula Nobyembre 8-13.     Ayon […]