• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, US foreign affairs, defense secretaries magpupulong sa Washington

MAGDARAOS ang mga Kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND) ng Pilipinas at Estados Unidos ng high-level meeting sa Washington sa darating na Abril.

 

 

Layon nito na palakasin ang kanilang  political at military engagement sa harap ng posisyon ng China sa South China Sea.

 

 

Sinabi ni Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez na makikipagpulong sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Defense officer in charge Carlito Galvez kina  US Secretary of State Anthony Blinken at US Secretary of Defense Lloyd Austin para sa  2 + 2 ministerial meeting.

 

 

Ani Romualdez, pag-uusapan ng magkabilang panig ang lawak ng  bilateral issues  kabilang na ang “defense at security cooperation at significant developments sa economic engagement ng dalawang bansa.

 

 

“The 2+2 is scheduled sometime in the middle of April,” ang wika ni  Romualdez sa Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) Prospects forum sa Makati City.

 

 

Ani Romualdez ang muling pagbuhay ng napakahalagang mekanismo ay para talakayin ang kasalukuyang estado ng dalawang magka-alyansa ukol sa  bilateral relationship at talangguhitan ang paraan ng ugnayan ng mga ito  sa pamamagitan ng “enhancement of existing areas of cooperation and the identification of new opportunities.”

 

 

“We are now fixing the date. In those meetings we expect to have a very strong indication of how we will proceed with all these agreements and all of these things that have happened in the past couple of months,” ani Romualdez.

 

 

Sinabi pa ni Romualdez, saklaw ng agenda ang regional at global issues  na may epekto sa dalawang bansa.

 

 

Maaari ring isama ang kamakailan lamang na developments o kaganapan sa  South China Sea, kung saan naiulat ang serye ng  Chinese harassment sa Philippine Coast Guard crew at magsasaka. (Daris Jose)

Other News
  • Ads January 10, 2023

  • 6 cold storage facilities, itatayo sa onion-producing regions

    MAGTATAYO ang Department of Agriculture (DA) ng anim na  cold storage facilities sa apat na onion-producing regions simula ngayong taon.     Layon nito na suportahan ang mga lokal na magsasaka.     Ang bawat pasilidad ay mayroong 20,000 bags na nagkakahalaga ng P40 million at itatayo sa  Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon at Mimaropa […]

  • Presyo ng kamatis, umaabot na ng P20 kada piraso – DA

    LALO pang tumaas ang presyo ng kamatis sa mga pamilihan, batay sa monitoring ng Department of Agriculture. Sa huling update ng ahensiya, umakyat na sa P360 kada kilo ang presyo ng kamatis, lalo na ang magaganda ang kalidad. Ibig sabihin nito, ang isang kilo ng kamatis ay mas mahal pa kaysa sa isang kilo ng […]