Pinas, US, muling sisimulan ang joint patrols sa South China Sea
- Published on February 6, 2023
- by @peoplesbalita
MULING magsasanib-puwersa ang Pilipinas at Estados Unidos pagdating sa mga joint naval patrols sa South China Sea.
Kasunod ito ng pagbibigay sa Amerika ng mas malawak na access sa mga miltary base ng Pilipinas sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
“The United States and the Philippines have agreed to restart joint patrols in the South China Sea as the longtime allies seek to counter China’s military rise,” ayon sa kalatas ng US Defense Department.
Matatandaang, kapuwa sinuspinde ng dalawang bansa ang maritime patrols sa napakainit na pinagtatalunang lugar sa ilalim ng liderato ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sa naging pagbisita sa Pilipinas ni US Defense Secretary Lloyd Austin, sinabi nito na siya at ang kanyang Philippine counterpart na si Carlito Galvez ay “agreed to restart joint maritime patrols in the South China Sea to help address (security) challenges.”
Inanunsyo rin nina Austin at Galvez ang isang kasunduan na bigyan ang tropa ng Amerika ng access sa apat pang bases sa “strategic areas” sa Southeast Asian nation.
Ang mga kasunduan ay bunsod na rin ng hangarin ng dalawang bansa na kumpunihin ang ugnayan na nabali sa ilalim ni dating Pangulong Duterte, na sinasabing di umano’y pinaboran ang China kaysa sa dating colonial master ng bansa.
Masigasig naman ang bagong administrasyon sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na plantsahin ito. (Daris Jose)
-
Pagdiriwang ng 22nd Malabon Cityhood Anniversary
MALUGOD na tinanggap ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, kasama si former Ricky Sandoval at City Administrator Alexander Rosete si Senador Cynthia Villar bilang Guest Speaker sa Gabi ng Parangal 2023 na ginanap sa Malabon City Sports Complex, kung saan binigyan ng pagkilala ang top business at real property taxpayers ng lungsod. Ang kaganapan ay […]
-
PNP chief tiniyak ipagpapatuloy ang Duterte Legacy caravan
DUMALO din si PNP Chief PGen. Dionardo Carlos sa Duterte Legacy Caravan sa People Power Monument sa Edsa Quezon City, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng paggawa kahapon. Ang pagtitipon ay May temang “Pagkakaisa ng Mamamayan at Pamahalaan Tungo sa Pagbangon, Kapayapaan at Kaunlaran”. Sa kanyang mensahe, nagbigay pugay si Gen. […]
-
TRAILER FOR DC SUPER HERO FILM “BLACK ADAM” ARRIVES WITH A BANG
THE world needed a hero, it got Black Adam. From New Line Cinema, Dwayne Johnson stars in the action adventure “Black Adam.” The first-ever feature film to explore the story of the DC Super Hero comes to the big screen under the direction of Jaume Collet-Serra (“Jungle Cruise”). Check out the […]