• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, Vietnam coast guards magtatatag ng hotline para sa maritime cooperation

KAPWA tinintahan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Vietnam Coast Guard (VCG) ang isang kasunduan ukol sa pagtatatag ng “hotline” para palakasin ang komunikasyon sa pagitan ng dalawang maritime security groups.

 

 

Nilagdaan ang memorandum of understanding (MOU) sa isinagawang state visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Vietnam kasama sina PCG Chief, Admiral Ronnie Gil Gavan, at Iba pang opisyal ng pamahalaan.

 

 

Kapwa naman sinaksihan nina Pangulong Marcos at Vietnamese President Vo Van Thuong ang paglagda sa kasunduan nina Gavan at VCG commander Maj. Gen. Le Quang Dao.

 

 

Layon ng MOU na palakasin ang “understanding, mutual trust, and confidence” sa pagitan ng PCG at VCG sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga karaniwang usapin at interest at pagtatatag ng hotline.

 

 

Sinabi pa ni Gavan na ang MOU ang magpapalakas sa strategic partnership at pagtutulungan sa pagitan ng PCG at VCG tungo sa “promoting, preserving, and protecting mutual interest in the Southeast Asian region.”

 

 

Nauna rito, balik-Pinas na si Pangulong Marcos, araw ng Miyerkules, Enero 31, mula sa kanyang state visit sa Vietnam, na nagsimula, araw ng Lunes.

 

 

Sa panahon ng state visit, pinuri ni Thuong ang mga achievements ni Pangulong Marcos sa pagpapaunlad sa ekonomiya ng Pilipinas, foreign policies, seguridad, at tanggulan.

 

 

Sa kabilang dako, tumaas naman ang ekonomiya ng bansa ng 5.6% sa fourth quarter ng 2023.

 

 

Kabilang sa mga “major emerging economies” sa Asia na nakapagpalabas na ng kanilang economic growth performance para sa fourth quarter ng 2023, nakapagtala ang Pilipinas ng “second fastest”, pagkatapos ng Vietnam (6.7 percent) subalit naungusan ang China (5.2 percent) at Malaysia (3.4 percent). (Daris Jose)

Other News
  • Ads September 11, 2023

  • Bucks tinapos ang ratsada ng Grizzlies

    NAGSALANSAN si Giannis Antetokounmpo ng 33 points, 15 rebounds at 7 assists para ihatid ang nagdedepensang Bucks sa 126-114 paggupo sa Memphis Grizzlies.     Tinapos ng Milwaukee (31-16) ang kanilang dalawang sunod na kabiguan para upuan ang No. 4 spot sa Eastern Conference at winakasan ang six-game road winning streak ng Memphis (31-16) na […]

  • Sinopharm booster, walang side effects kay PDu30- Nograles

    HINDI nakaranas ng kahit na anumang masamang epekto si Pagngulong Rodrigo Roa Duterte matapos na makatanggap ng kanyang Sinopharm booster shot laban sa COVID-19.     Ito’y sa kabila ng wala pang data ang makapagpapakita na ang Sinopharm ay “appropriate booster.”     “Wala naman pong masamang epekto kay President Duterte [ang Sinopharm] sa pagkakaalam […]