• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinatutupad na NCR Plus bubble, hindi nangangahulugan ng kawalan ng ayuda ng gobyerno

SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang ipinatutupad ngayon na polisiya na National Capital Region (NCR) Plus bubble ay hindi nangangahulugan na kawalan na ng ayuda ng pamahalaan.

 

Ang NCR Plus bubble ay polisiya na naglilimita sa galaw ng essential travel subalit hinahayaan ang mga negosyo na mag-operate sa gitna ng pagtaas ng kaso ng Covid -19.

 

“Hindi naman po sa kawalan ng ayuda ‘yan. Kung talagang kinakailangan, nothing is etched in stone, kung talagang kinakailangan at ito’y hindi maging sapat eh baka konsiderasyon pa rin iyan,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Pero sa ngayon po, talagang kinikilala na natin ang problema ng pagkagutom na magreresulta kapag sinarado po natin ang ekonomiya. So pigilan natin ang mobility pero hayaan nating maghanapbuhay ang lahat,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Ang mga restaurants ay nananatiling bukas sa NCR Plus areas, subalit ang diners ay kailangan lamang ng 50% ng kanilang kapasidad.

 

Ipinagbabawal naman ang businesses at religious gatherings nang lagpas sa 10 katao.

 

Ani Sec. Roque na ang mga nasabing restriksyon ay hindi pangkaraniwan lalo pa’t 90% ng COVID-19 cases ay asymptomatic o mild COVID-19 cases.

 

“At ang anyo naman po ng COVID-19 ay maski ikaw ay tamaan, gaya ko asymptomatic, pupuwede pa ring magtrabaho huwag lang sana manghawa ng iba; so puwedeng magtrabaho in isolation ‘no,” lahad ni Sec. Roque. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Pia, umaming labis na nasasaktan sa bangayan ng ina at kapatid

    MAY pakiusap ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa publiko tungkol sa bangayang nangyayari ngayon sa kapatid niyang si Sarah Wurtzbach- Manze at inang si Gng. Cheryl Alonso-Tyndall.   Ayon kay Pia, “I’m sure a lot of you know that my family is going through some issues at the moment and most of it is […]

  • TAX PAYMENT NG COMPUTER SHOPS SA NAVOTAS, PINAGPALIBAN

    PINALAWIG ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang deadline para sa business permit renewal at pinayagan ang mga rehistradong computer shops na ipagpaliban muna ang pagbabayad ng kanilang business tax para sa 2021.   Nakasaad sa City Ordinance No. 2020-51 na lahat ng business taxpayers ay maaaring magbayad ng ng kanilang buwis nang walang karagdagang bayarin […]

  • Sotto at 36ers wagi sa Phoenix

    NAKABALIK sa porma ang Adelaide 36ers matapos pataubin ang Southeast Melbourne Phoenix, 100-92, kahapon sa 2022 National Basketball League (NBL) season sa Adelaide Entertainment Center sa Adelaide, Australia.     Nakapagtala lamang ang 7-foot-3 Pinoy cager na si Kai Sotto ng 4 points at 5 re­bounds para sa 36ers.     Hataw si Daniel Johnson […]