Pinay boxer Pasuit, swak sa last 8 ng Olympics q’fiers
- Published on March 6, 2020
- by @peoplesbalita
PASOK na sa last 8 sa Asiana-Oceania Boxing Qualification Tournament ng 2020 Olympics si Filipina boxer Riza Pasuit.
Ito ay matapos talunin ang Japanese boxer na si Saya Hamamoto ng women’s lightweight match Round-of-16 na gananap sa Amman, Jordan.
Sa simula pa lamang ay pinaulanan na ng suntok ni Pasuit ang Japanese boxer.
Nagawa pang makabawi sa huling round si Hamamoto subalit hindi na hinayaan pa ni Pasuit na makabangon pa ang kalaban.
Dahil sa panalo ay pasok na sa quarterfinal round si Pasuit na isang silver medalist.
Nauna rito pasok na rin sa quarterfinals si Nesthy Petecio ng talunin si Krismi Lankapuravalage ng Sri Lanka sa 5-0 victory.
Habang nakuha ni Ian Clark Bautista ang 3-2 panalo laban kay Hayato Tsutsumi ng Japan sa men’s feather weight bout.
-
Australian Open organizers papayagan ng makapaglaro si Djokovic
HANDA pa ring tanggapin ng Australian Open si tennis star Novak Djokovic para maglaro sa susunod na taon na magsisimula mula Enero 16 sa Melbourne. Sinabi ni Australian Open tournament director Craig Tiley, na kapag makakuha ng visa ang Serbian tennis star ay papayagan nila itong maglaro sa unang grand slam tournament ng […]
-
DOTr: kapasidad ng mga mass transport dati pa rin ngayon ECQ
Wala nang mangyayaring pagbabawas ng kapasidad ng mga mass transport sa National Capital Region-Plus bubble sa ilalim ng isang linggong pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ). Ito ang inihayag ng Department of Transportation (DOTr) sa isang statement na kanilang ginawa. Ang DOTr na siyang naatasan na gumawa ng guidelines tungkol sa […]
-
70-man Chinese biz delegation, tinitingnan ang investment opportunities sa Pinas
TINITINGNAN ng Chinese delegation na binubuo ng 70 business executives na bumisita sa bansa na i- explore ang investment opportunities sa Pilipinas. Sa isang kalatas, sinabi ng Board of Investments (BOI) na malugod na tinanggap nito ang 70-man business delegation ng Chinese Enterprises Philippine Association (CEPA) sa pangunguna ng pangulo at Bank of […]