• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinay gymnasts pumitas ng 3 ginto sa Hungary

Sa pagkakataong ito, Pinay gymnasts naman ang nagpasiklab sa international scene matapos humakot ng tatlong ginto at dalawang pilak na medalya sa 2020 Santa’s Cup na idinaos sa Budapest, Hungary.

 

Nanguna sa kampanya ng Pilipinas si Southeast Asian Games champion Daniela Reggie Dela Pisa matapos kumana ng dalawang gintong medalya.

 

Pinagreynahan ni Dela Pisa ang hoop at clubs events sa women’s rhythmic gymnastics.

 

Si Dela Pisa ang bukod-tanging Pinay female gymnast na nakasungkit ng gintong medalya noong 2019 SEA Games sa Maynila.

 

Nasikwat nito ang korona sa hoop event — ang kauna-unahang ginto ng Pilipinas sa rhythmic gymnastics sa biennial meet.

 

Malalim din ang kuwento ni Dela Pisa na isang ovarian cancer survivor na naging inspirasyon nito upang ipagpatuloy ang laban sa buhay.

 

Sa kabilang banda, nag-ambag si Breanna Labadan ng isang ginto at dalawang pilak na medalya.

 

Nanguna si Labadan sa ball event habang nakasikwat din ito ng pilak sa ribbon at sa individual all-around.

 

Pinaghahandaan nina Dela Pisa at Labadan ang pagsabak nito sa 2021 SEA Games na idaraos sa Hanoi, Vietnam.

Other News
  • Direk GINA, mabilis na nag-sorry kay CLAIRE after ng eksenang sampalan na nag-trending sa Facebook at Twitter

    INABOT daw ng halos isang oras sa pagligo si Claire Castro pagkatapos ng eksena sa Nagbabagang Luha kunsaan nakatikim siya ng matinding sampal mula kay Gina Alajar.   Bukod daw sa sampal ay nginudngod pa raw ang mukha niya sa cake. Pero naging professional daw si Claire at ikinatuwa pa niya ang masampal ni Direk […]

  • Mavs nakaiwas sa sweep ng Warriors

    NAGPOSTE si Luka Doncic ng 30 points, 14 rebounds at 9 assists pa­ra igiya ang Mavericks sa 119-109 paggiba sa Gol­­den State Warriors at makaiwas mawalis sa Wes­­tern Conference finals.     Ito ang ika-10 double-double ni Doncic sa kan­yang 14 games sa post­sea­son para sa 1-3 agwat ng Dallas sa kanilang best-of-seven series ng […]

  • Outpatient Clinic ng Pandi District Hospital, bukas na

    LUNGSOD NG MALOLOS – Mas mabilis nang makakakuha ng serbisyong medikal ang mga Pandieño makaraang opisyal ng buksan ang Outpatient Clinic ng Pandi District Hospital noong Lunes sa Brgy. Bunsuran 1st, Pandi.     Samantala, sinabi rin ni Solante na base sa nakalap na datos sa “immunogenicity” ng ikalawang hene­rasyon ng COVID-19 vaccines na target […]