Pinay powerlifter sa Tokyo Paralympics nagpositibo sa COVID, coach ‘di na rin makakasama
- Published on August 26, 2021
- by @peoplesbalita
Labis labis ang pagkadismaya ng isa sa mga atleta ng Pilipinas na sasabak sa 2020 Tokyo Paralympics matapos na hindi matuloy dahil sa nahawa sa COVID-19.
Una rito kinumpirma ni Philippine Paralympic Committee (PPC) president Michael Barredo na dinapuan ng virus si Filipina powerlifter Achele Guion.
Dahil dito maging ang kanyang coach na si Antonio “Tony” Taguibao ay hindi na rin makakasama sa delegasyon kung saan ngayong araw ang opening ceremony sa Tokyo, Japan.
Sinasabing sobra raw ang “frustrations” ni Guion bunsod ng kabiguan nitong maging kinatawan ng Pilipinas makaraan ang matagal din na paghahanda sa Paralympics.
Tutungo sana ito sa Tokyo dala ang inspirasyon sa naging panalo rin ng gold medal ni Hidilyn Diaz sa weigthlifting.
“Jinky is deeply frustrated that she will not be able to compete in her powerlifting event for her country after training for so long, and especially getting much inspiration from Hidilyn Diaz,” ani Barredo sa statement. “Despite this most unfortunate development, all our para athletes remain in high spirits and committed to give their best possible performances to bring honor and glory for our country.”
Sa ngayon limang mga Pinoy athletes na lamang ang sasabak sa paralympics na kinabibilangan ni wheelchair racer Jerrold Mangliwan na lalaban sa tatlong events na men’s 400m, 100m, and 1500m.
Ang swimmer na si Ernie Gawilan ay dadalhin naman ang bandila ng Pilipinas sa men’s 200m individual medley (IM), 400m freestyle, at 100m backstroke.
Ang isa pang swimmer na si Gary Bejino ay nasa apat namang events ang sasalihan na kinabibilangan ng men’s 200m IM, 50m butterfly, 400m freestyle, at 100m backstroke.
Ang isa pang atleta na si Jeanette Aceveda ay sasabak sa women’s discus throw event habang ang taekwondo jin na si Allain Ganapin ay tatangkain namang makasungkit ng medalya sa men’s K44-75kg division.
-
RAMPA Drag Club, bagong venue para sa LGBTQ+ community: Grupo nina ICE at RS, excited sa katuparang maiangat ang drag scene sa ‘Pinas
SA isang pasabog na media launch na ginanap sa Karma Lounge QC, inilunsad ang pinakabagong entertainment sa Quezon City na talaga namang magbibigay buhay sa entertainment scene ng LGBTQ+ community, ang RAMPA Drag Club. Bigatin at di matatawaran din angmga owners ng Club na ito na pinangunahan ng ay likha ng kilalang LGBT icon, aktor, […]
-
P15 trilyon na utang ng Pinas
HINIMOK ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III nitong Linggo, Nobyembre 10 ang mga economic managers ng bansa na maghinay-hinay sa pag-utang sa gitna nang patuloy na paglobo ng utang ng bansa na nasa P15 trilyon na. Inulit ni Pimentel ang kanyang pagkabahala at panawagan sa gobyerno na suriing mabuti ang mga […]
-
PBBM, sa mga mamamayang Filipino: Time to heal, reflect on one’s mortality
UMAASA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang pag-alala sa mga Santo at namayapang mahal sa buhay ay makatutulong sa Filipino na makayanan ang paghihirap at pagkabalisa. Sa naging mensahe ng Pangulo ngayong All Saints’ Day at All Souls’ Day, sinabi ni Pangulong Marcos na ang Covid-19 pandemic ang dahilan ng mga […]