Pinayuhan na mag-move on at magpahinga muna… ANDREA, naging vocal na crush at gustong maka-date si JAKOB
- Published on August 26, 2023
- by @peoplesbalita
DAHIL sa pagiging vocal ni Andrea Brillantes na crush at gusto niyang maka-date ang anak ni Ina Raymundo na si Jakob Portunak, karamihan ng mga reaksiyon at comment na mababasa mula sa mga netizen ay tila negatibo.
Nandiyang pinaaalalahanan si Andrea na hayan at player na naman daw, kaya raw siya napaglalaruan.
Ina-associate rin sa medyo dirty thoughts ang pagpapahiwatig na ito ni Andrea na gusto niya si Jakob. Na noong una raw niyang makilala, sila pa ng ex-boyfriend niya.
Sinabihan din si Andrea na magpahinga rin. Mag-move-on muna raw ito at kailan lang nang makipag-break.
May nagsabi pa rito na, “hinay-hinay naman. Kaya ang hirap mong ipagtanggol, huh!”
***
BONGGANG sasakyan ang birthday gift ni Ruffa Gutierrez sa kanyang sarili.
Ibinahagi niya ito sa kanyang latest Instagram post na aniya ay tatlong buwan niyang hinintay bago dumating.
Sa mga larawang ipinost ni Ruffa ay makikitang nasa Toyota Bicutan siya kung saan niya binili ang brand new Super Grandia Elite.
“My birthday gift to myself finally arrived, after 3 months of waiting for my unit to arrive from Japan. Many thanks to Miss Gina Claudia of Toyota Bicutan for assisting me since Day 1 and shout out to everyone at the dealership for the super warm welcome.
“Going home with my Super Grandia Elite in tow. Yayyyy!” At saka niya sinundan ng mga hashtags na #KatasNgPagsisikap at #ToGodBeTheGlory.
Napa-wow naman ang mga celebrities and netizens while super-happy naman ang kanyang pamilya for her.
Komento ng kapatid ni Ruffa na si Raymond Gutierrez, “cute gift.”
Sey naman ng anak niyang si Venice, “so so excitedddd.”
Ang isa pa niyang anak na si Lorin ay nag-react naman heart and hands up emojis.
Nag-react din ang isa pang kapatid ni Ruffa na si Richard Gutierrez ng “hands-up” emojis.
Noong June 24 ang kaarawan ang kaarawan ni Ruffa.
(ROSE GARCIA)
-
Guidelines sa paggamit ng Dengvaxia, kailangang isapubliko – Dr. Solante
SINABI ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante na mahalagang magkaroon ng guidelines sa sandaling muling mapahintulutang magamit ang Dengvaxia vaccine. Ito’y sa harap ito ng nakikitang pagtaas sa kaso ng dengue sa bansa. Aniya, sa pamamagitan ng guidelines ay mailalahad sa publiko ang benepisyo at kahalagahan ng bakuna lalo na […]
-
DSWD, nagbabala sa publiko sa mga impostor na empleyado ng DSWD para mag-solicit ng pera
NAGBABALA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko laban sa mga impostor o nagpapanggap na kawani ng kagawaran para makalikom ng pera kapalit umano ang financial assistance mula sa kanilang programa. Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, ang mga mapapatunayang sangkot sa naturang krimen ay kakasuhan ng usurpation […]
-
Ads July 12, 2022