• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pingris handang tulungan ang FEU

HANDA si Marc Pingris na tulungan ang Far E­astern University (FEU) Tamaraws sa kampanya nito sa UAAP men’s basketball tournament.

 

 

Inimbitahan ng pamu­nuan ng unibersidad si Pingris na maging bahagi ng coaching staff upang mas lalong mapalakas ang Tamaraws sa mga susunod na edisyon ng UAAP.

 

 

“Handa naman ako pero pag-uusapan pa. Yun talaga ang gusto ko yung maibahagi yung mga natutunan ko sa mga batang players,” ani Pingris.

 

 

Naniniwala ang FEU na malaki ang maitutulong ni Pingris para matutukan ng husto ang mga miyembro ng kanilang koponan.

 

 

Malalim ang karanasan ni Pingris hindi lamang sa collegiate basketball maging sa professional level at mga international competitions.

 

 

Sa kanilang collegiate career, naging bahagi si Pingris ng Philippine School of Business Administration at FEU.

 

 

Noong 2004, nakuha itong third pick overall sa PBA Annual Rookie Draft ng FedEx Express.

 

 

Maliban sa FedEx, nag­laro rin si Pingris para sa Purefoods franchise mula 2005 hanggang 2019 bago magpasyang magretiro.

 

 

Siyam na beses itong nakatikim ng kampeonato sa PBA at dalawang beses naging Finals MVP.

 

 

Naging miyembro ito ng national team na nakasungkit ng gintong medalya sa 2003 Vietnam Southeast Asian Games.

 

 

Bahagi ito ng Gilas Pilipinas na nakapilak sa FIBA Asia Championship noong 2013 sa Maynila at 2015 sa China.

Other News
  • 3 drug suspects nadakma sa buy bust sa Malabon, Valenzuela

    KULUNGAN ang kinasadlakan ng tatlong hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang 18-anyos na bebot matapos madamba sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon at Valenzuela Cities, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Malabon police chief Col. Albet Barot ang naarestong mga suspek na sina Dan Patrick Lumagbas alyas […]

  • CINE EUROPA IS SCREENING 19 FILMS ONLINE UNTIL NOVEMBER 29!

    CINE Europa, Europe’s biggest and most exciting film festival is now back in the Philippines from 31 October to 29 November.   The pandemic is not about to stop the film festival but in effect has provided an occasion to turn a challenge into an opportunity.   This year, Cine Europa brings 19 films from […]

  • 56 Valenzuelano nakatanggap ng libreng bisikleta, livelihood aid

    INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLE-NCR) ang BikeCINATION Project at provision ng e-Loading livelihood assistance kung saan 56 beneficiaries ang ginawaran nito.     Sa tulong ng City’s Public Employment Service Office (PESO), 56 na benepisyaryo ang sumailalim sa social preparation training […]