Piniling reward na magtayo ng business: YSABEL, ‘di natuloy sa law school dahil sa ‘Voltes V: Legacy’
- Published on August 31, 2023
- by @peoplesbalita
FOUR years ang preparasyon at apat na buwan na umere ang ‘Voltes V: Legacy’ na consistent top-rating show ng GMA.
At dahil hindi biro ang kanilang pinagdaanan para mapaganda ang show, may reward o gantimpala ang Voltes team sa kani-kanilang sarili.
Ang nag-iisang babae na miyembro ng grupo na nagpipiloto sa robot na si Voltes V, si Ysabel Ortega (as Jamie Robinson) ay dalawang negosyo ang reward sa kanyang sarili.
“I was in law school towards the tail end of lock-in tapings but then I stopped,” umpisang kuwento ni Ysabel.
“So, sabi ko, ito ang reward ko afterVoltes V. Makakapag-law school na ako.
“Kaso hindi pala kinaya. Ang hirap pala talagang pagsabayin yung dalawa.
“So, ang pinili ko na lang na reward for myself, nagpatayo ako ng business.
“Along with my partners, magpapatayo ako ng isang nail salon and, at the same time, magpapatayo rin po ako ng isang bakeshop.”
Ang tinutukoy ni Ysabel na nail salon ay ang branch ng sikat na Nailandia kung saan ang mga partners niya ay mga co-stars rin niya sa ‘Voltes V Legacy’ na sina Elle Villanueva (bilang Eva Sanchez), Sophia Senoron (bilang Ally Chan)
“It’s kind challenging to put up two businesses at the same time pero yun po ang ginawa kong reward sa sarili ko.
“Something din na kung anuman yung effort na pinour ko dito sa Voltes V, naghanap ako ng kung saan ko ulit ibubuhos.
“Yun ang pinili ko, two businesses na passion ko din naman,” sinabi pa ni Ysabel.
Masayang-masaya ang Nailandia owners na sina Noreen at Juncynth Divina sa pagkakataong magkaroon ng business collaboration sa tatlong aktres dahil sikat na sikat ang Voltes V: Legacy at patuloy na nangunguna sa ratings game.
“Very thankful, grateful kay Lord!
“Thank you Lord talaga, wala lang akong masabi, thank you Lord talaga,” bulalas ni Noreen.
Magtatapos na sa ere ang ‘Voltes V: Legacy’ sa September 8.
At sa launch ni Jennica bilang endorser ng Queen White beauty products ay natanong ang aktres may second chance pa ba para sa muling pagkakaroon nila ni Alwyn ng relasyon?
“Kung yung second chance kay Alwyn, nabigay ko na po yung sa kanya, at dumating lang talaga sa point na wala na po ako kayang ibigay, so ayun.”
Ano ang pinakamalaking lesson na natutunan niya sa nakaraang pakikipagrelasyon niya?
“Siguro ano na lang, wala akong pinagsisisihan sa lahat ng pinagdaanan ko.
“Nung una siguro when my heart was broken, andun yung kinukuwestiyon ko sarili ko, at nakakahiya mang aminin, dumating din ako sa time na kinukuwestiyon ko din si God, which is wrong of course.
“Kung meron man akong natutunan, sobrang duwag ko dati, I am very, very dependent on my ex-husband.
“Yung parang bilang asawa po kasi may pagka-ano talaga ako e, sobrang submissive kasi ako, yung parang pagka… when it comes to decision making, if my ex-husband makes a certain decision, even if I don’t agree with him or I feel that there is a better option or decision that we should take as a couple, I would always go with what he wants.
“Not that hindi ako magsasalita, I will tell him, pero kaya ko kasi siyang sundin wholeheartedly, e. Ang nangyayari susundin ko siya and then I pray to God that parang, ‘Lord I don’t trust his decision, but because I trust You then sige, I will let him decide.’ “Parang ganyan, pero ngayon kasi nagkaroon na po talaga ako ng lakas ng loob, nararamdaman ko na may boses na rin po ako, I think I also have my two children to thank for this.
“Iba kasi yung alam mo na nabubuhay ka lang para sa sarili mo sa nabubuhay ka kasi may binubuhay kang dalawa pa, iba e, iba yung magiging mindset mo, iba yung magiging drive mo sa buhay.
“Before, ‘pag sinabi kong, ‘Ay hindi ko kaya yan’, hindi ko kaya talaga, pero ngayon po kasi, yung Jennica po ngayon sasabihin niya lang na hindi niya kaya, pero gagawin niya pa rin.”
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Nag-topless sa kanyang IG post: CARLA, nagliliyab at pasabog ang pagsalubong sa 2023
TRENDING ang husay ni Aiko Melendez sa isang eksena sa ‘Mano Po Legacy: The Flower Sisters’ Lunes ng gabi, January 9. Ang eksena ng pagpapakamatay ni Andrew (na mahusay ring ginampanan ni Will Ashley) sa harap mismo ng ina niyang si Lily (Aiko) ang hinangaan at pinuri ng mga netizens dahil sa nakapangingilabot at […]
-
Pulis ‘guilty’ sa homicide ng 17-anyos na napagkalamang suspek
HINATULANG nagkasala ng Navotas Regional Trial Court (RTC) Branch 286 ang pulis na si PSSg. Gerry Maliban sa menor de edad na napatay sa isang “mistaken identity” case habang mapaparusahan din ang apat na pulis sa pagpapaputok ng baril. Martes nang ilabas ng Navotas court ang hatol kaugnay ng pagkamatay ni Jerhode Jemboy […]
-
Ginang kulong sa P200K droga sa Valenzuela
KALABOSO ang 58-anyos na ginang na sangkot umano sa pagtutulak ng iligal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu nang madakip ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City. Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ang […]