• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinilit na makapagtapos ng kolehiyo: AIKO, natupad na ang pangako sa kanyang mommy at stepdad

ISANG masayang-masayang Aiko Melendez ang nakausap namin sa pamamagitan ng Facebook messaging nitong July 28, Biyernes.

 

excited na ibinalita sa amin ng actress/politician na ga-graduate na siya sa kolehiyo.

 

Nagtapos si Aiko sa Philippine Women’s University ng kursong Communication Arts Major in Journalism.

 

Tulad ng regular na estudyante ay nag-martsa ang aktres at konsehala sa PICC (Philippine International Convention Center) sa Roxas Boulevard noong Sabado, July 29.

 

“Last year before campaign nag-start ako [mag-aral muli], kasi nag-college ako dati sa St Joseph’s College pero hindi ko natapos sa sobrang busy.

 

“Mass Commmunication ako, tapos nag-shift ako sa BS Psychology. So na-accredit naman some of my subjects before.’

 

Kahit busy si Aiko bilang konsehala ng District 5 ng QC at sa pag-aartista ay pinilit niyang makatapos ng kolehiyo dahil ipinangako niya iyon sa namayapa niyang stepfather na si Tito Danny Castañeda at sa mommy ni Aiko na si Mommy Elsie Blardony.

 

“Yan ang naipangako ko sa daddy Danny ko bago pa siya nawala, na tatapusin ko ang studies ko by hook or by crook.
“And sa mom ko din.”

 

“Ang kaso di ba showbiz was my bread and butter. So now I have two kids na both nag- excell sa studies nila, I have to finish mine, too.

 

“So nung pandemic nagkaroon mg ETEEAP course online, blended, nag-enroll ako.”

 

Ang ETEEAP ay Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program.

 

“Online at face-to-face course siya with diploma.

 

“So now tapos ko na siya.

 

“I think best gift ko ito sa mga anak ko and to also inspire busy working moms like me to finish my course.”

 

“After nito magma-masteral na ako. Mag-rest lang ako this semester tapos enroll uli,” pagwawakas pa ni Aiko sa aming kuwentuhan.

 

***

 

SA recent episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”, kasamang itinanong ng King of Talk sa Kapuso Teen Queen na si Jillian Ward kung sino ang kaniyang showbiz crush.

 

“Ah, Coco Martin,” masayang sagot ni Jillian sa tanong ni Tito Boy Abunda sa segment na “Fast Talk.”

 

Kung magkakaroon siya ng concert, sinabi ni Jillian na ang idol niyang si Beyonce ang nais niyang maging special guest.

 

Pero pahabol pa ng teen actress, “At si Tito Boy!”

 

Ayon pa kay Jillian, kumain, mag-Tiktok, at mag-bonding, ang paborito niyang ginagawa sa set ng kanilang hit Kapuso afternoon series na “Abot Kamay na Pangarap.”

 

Nang tanungin kung sino ang gustong apihin ni Jillian kung magiging kontrabida siya, gigil na tinukoy niya ang mag-inang Moira at Zoey Tanyag, mga karakter nina Pinky Amador at Kazel Kinouchi, na umaapi sa kaniya sa “Abot Kamay na Pangarap.”

 

Sa naturang panayam, sinabi rin ni Jillian na “sobrang close” nila ng kaniyang co-star sa serye na si Jeff Moses.

 

Inilarawan ni Jillian ang binatang aktor na “super dedicated, sobrang respectful, sobrang motivated sa buhay.”

 

Pag-amin ni Jillian, kapag nakaramdam siya ng burnt out at unmotivated dahil na rin sa tagal na niya sa industriya mula noong bata pa, nakakakuha siya ng inspirasyon kay Jeff.

 

Nang tanungin ni Tito Boy si Jillian kung “nagpaparamdam” ba sa kanya si Jeff, tugon ng dalaga, “I mean sobrang close niya sa ‘kin. Sobrang bait niya. Parang wala naman.

 

“Basta close kami,” natatawa pang sabi ni Jillian.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Wish na alagaan ang health niya: RAYVER, naging emotional sa pagbati kay JULIE ANNE

    NAGING masaya ang pag-celebrate ni Ms. Coney Reyes ng Mother’s Day dahil sinabay rito ang kanyang 50th anniversary sa showbiz.         Sa ‘All-Out Sundays’ sinorpresa si Coney ng kanyang co-stars sa upcoming Philippine adaptation ng hit Koreanovela na ‘Shining Inheritance’ na sina Paul Salas, Michael Sager, Kate Valdez, at Kyline Alcantara. Hinarana […]

  • 5 INARESTO NG NBI SA PAMIMILIT AT PANGINGIKIL

    INARESTO ng mga ahente ng Bureau of Investigation (NBI) ang limang indibidwal dahil sa kasong Grave Coercion at  Robbery Extortion.     Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang mga suspek na sina Rowena Nava y Cuision, Jeffey Brequillo y Sanchez, Norman Solsona y Abella, Lando Banzon y Manio at Efren Dela […]

  • Dagdag na wastewater facilities, itatayo ng Manila Water

    MAGDARAGDAG ng wastewater treatment plants ang East Zone concessionaire Manila Water para matiyak na ang domestic wastewater mula sa mga kabahayan ay hindi magdudulot ng polusyon sa mga ilog at sa iba pang uri ng katubigan sa bansa.     Ayon sa Manila Water, ang hakbang ay bilang pagtalima nila sa Philippine Clean Water Act […]