Pinoy athletes, kanya-kanya ring diskarte sa gitna ng COVID pandemic
- Published on July 3, 2020
- by @peoplesbalita
Pumapatok ang mga negosyo ng Filipino athletes na kanilang paraan sa gitna ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Tulad nalang ng Philippine Basketball Association (PBA) players na sina Blackwater Elite forward Carl Bryan Cruz at ng kanyang girl friend na nagtitinda ng cleaning and disinfectant tools tulad ng alcohol, dishwashing liquid at iba pa.
Sinamantala naman ng PBA player na si Bambam Gamalinda ang pagiging fan niya ng Sinugba o mga pagkaing luto sa uling.
Ilan sa mga suki niya ay mga katulad ding basketbolistang sina Arwind Santos, Marc Pingris, Junemar Fajardo, Rome Dela Rosa, at Jio Jalalon.
Habang ang 2016 Rio Olympian na si Mary Joy Tabal ay kinagiliwan ang pagbi-bake na bumibenta rin naman.
”Now I’m staying at home while doing my at home workout and learning some baking, cooking at iba pa. I’ve been into anxiety, stress and worried but as days passed by parang na realize ko overthinking won’t help me and won’t help everyone lalo na sa family ko na magiging affected din pag hindi ako okay,’‘ ani Tabal.
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 18) Story by Geraldine Monzon
SA PAGBISITA ni Cecilia kay Madam Lucia ay hindi niya inaasahan na mapapakialaman nito ang cellphone niyang inilapag lang niya sa ibabaw ng mesa. “Lola, hindi ka dapat nakikialam ng gamit ko!” anas ng dalaga. “Hindi ko naman intensyon na pakialaman ‘yan, para bang may nagtulak lang sa akin na gawin ‘yon, ang […]
-
Ads June 10, 2020
-
VCM at election materials, sinimulan nang ipadala sa mga lalawigan – Comelec
SINIMULAN nang ipadala noong Sabado ng Commission on Elections (Comelec) ang mga vote counting machine (VCM) at iba pang Automated Election System (AES) supplies sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, inumpisahan na ring ilagay sa mga truck ang mga VCM at ballot boxes. Uunahing hatiran […]