Pinoy billiard player Carlo Biado, kampeyon sa 2021 US Open Pool Championships
- Published on September 21, 2021
- by @peoplesbalita
Matapos inalat sa mga unang magkakasunod na racks, hindi pa rin sumuko ang Pinoy billiard player na si Carlo Biado para magkampeyon sa 2021 US Open Pool Championships.
Tinalo ni Biado ang Singaporean professional pool player na si Aloysius Yapp sa score na 13-8.
Nakuha pa ni Biado ang 3-1 early lead pero nabawi ito ni Yapp at naiposte ang 8-3 lead.
Nakabawi naman si Biado sa pitong straight racks at maitala ang 10-8.
Matapos nito ay tuloy-tuloy na ang pamamayagpag ni Biado at naibaon pa si Yapp sa nine straight racks at naitala ang 12-8 lead.
Hindi na bumitaw pa ang 37-anyos na pool player na tubong La Union sa ika-13 rack at tuluyan nang nasungkit ang titulo.
Napabilib nang husto ni Biado ang mga audience matapos ipanalo ang 10 straight racks.
Kung maalala huling nanalo ang isang Pinoy sa US Open Pool Championship noong 2005 sa pamamagitan ni Filipino-Canadian Alex Pagulayan.
Pero bago ito, taong 1994 nang makuha ng billiard legend na si Efren “Bata” Reyes kampeyonato sa torneyo.
-
Nag-sorry sa naapektuhan ng cryptic post: SHARON, inaming naghiwalay sila ni KIKO pero nagkaayos din
INAMIN ni Megastar Sharon Cuneta na saglit silang naghiwalay ng asawa na si dating Senador Kiko Pangilinan. Sa Instagram Live ni Sharon kasama si Kiko at tatlo nilang anak na sina Frankie, Miel at Miguel binati nila ang mga netizen ng Happy New Year. Sa kanyang caption, “From my family to […]
-
Pinay skateboarder Margielyn Didal pasok na sa Tokyo Olympics
Opisyal ng sasabak sa Tokyo Olympics si Pinay skateboarder Margielyn Didal. Sa ginawang anunsiyo ng World Skate kasama si Didal sa listahan na inilabas ng international roller sports. Gaganapin ang pagsabak ng 22-anyos na si Didal sa Hulyo 25 hanggang 26. Dahil sa pagsali ni Didal sa Olympics ay […]
-
US inaprubahan na ang $100-M missile upgrades ng Taiwan
INAPRUBAHAN ng US ang $100-milyon na missile upgrades sa Taiwan. Ayon sa Pentagon na ang nasabing pag-upgrade ng Patriot missile defense system ng Taiwan ay malaking tulong lalo na ang pagtanggol nila kanilang teritoryo na balak na lusubin ng China. Ikinagalit naman ng China ang nasabing pagtulong ng US sa Taiwan. […]