• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinoy cue artist Biado ibinahagi ang sekreto sa pagkapanalo sa US Open Billiard

Ibinahagi ni Filipino billiard champion Carlo Biado ang naging susi sa pagkakuha nito ng kampeonato sa US Open Pool Championship.

 

 

Sinabi nito na kung hindi dahil panghihikayat ng kaniyang asawang si Niecky na magtungo sa US ay hindi nito makukuha ang kampeonato.

 

 

Wala kasing mga torneo sa Pilipinas dulot ng COVID-19 pandemic kaya hinikayat ito ng asawa niya na subukan ang suwerte sa US apat na buwan na ang nakakaraan.

 

 

Dahil sa pagpupumilit ng asawa na kaniyang sinunod ay nagtagumpay ito kung saan itinuturing niya itong kaniyang lucky charm.

 

 

Magugunitang tinalo ni Biado si Aloysius Yapp ng Singapore sa finals ng nasabing torneo kung saan nakapag-uwi ito ng nagkakahalaga ng P2.5 milyon.

 

 

Umaasa ito na makasama sa Billiard Congress of America Hall of Fame gaya nina Efren ‘Bata’ Reyes na kasama noong 2003, Francisco “Django” Bustamante noong 2010 at Alex Pagulayan noong 2019.

 

 

Wala pa rin itong desisyon kung sasali ba ito sa International Open sa susunod na buwan sa Virginia dahil matapos na itong nawalay sa kanilang anak.

Other News
  • ₱4-₱6 taas-pasahe sa MRT-3, inihirit

    MAGING  ang pamunuan ng Manila Rail Transit Line 3 (MRT-3) ay humihirit na rin ng taas-pasahe dahil sa kawalan umano nito ng kita.     Nabatid na naghain ang MRT-3 ng petisyon sa Rail Regulatory Unit ng Department of Transportation (DOTr) para sa fare rate increase na mula P4 hanggang P6.     Sakaling maaprubahan […]

  • Mas matinding sitwasyon ang kakaharapin ng Phl kung ‘di ipatupad ang ECQ sa NCR – Concepcion

    Tama ang ginawa ng private sector na imungkahi ang dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) dahil kung hindi ay mahaharap sa mas malaking hamon ang Pilipinas bunsod ng banta ng Delta coronavirus variant, ayon kay presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion.     Mas ninais aniya ng private sector na irekomenda sa pamahalan na Agosto […]

  • WHO kinumpirma ang unang kaso ng ‘human-to-animal monkeypox transmission’

    PINAYUHAN  ng World Health Organization (WHO) ang mga dinapuan ng monkeypox na iwasang ma-expose sa mga hayop.     Kasunod ito sa napaulat ng pagkakahawa ng isang aso ng madapuan ng monkeypox ang amo nito sa Paris.     Ayon kay WHO technical lead for monkeypox Rosamund Lewis na ang unang kaso ng human-to-animal transmission […]