• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinoy netters, hahambalos vs mga Greko

NARITO na sa bansa si men’s world top 10 lawn tennis player Stefanos Tsitsipas at agad na ipinakita ang kahandaan para pamunuan ang Greece kontra Pilipinas para sa Davis Cup World Group II playoffs sa Biyernes at Sabado sa Philippine Columbian Association (PCA), Plaza Dilao sa Paco, Maynila.

 

Lagpak sa ikalawang pwesto kay Novak Djokovic sa Dubai Championships ilang araw pa lang ang nakalilipas, iaangas ng kasalukuyang nasa ikaanim na puwesto sa mundo ng tenista ang mga Greko laban sa mga Pilipinong netter.
“I will try to represent my country as best as possible,” bigkas ng 21-anyos na top Greek player, ang pinakabatang nasa world’s top 10 at may lima ng titulo.

 

Karay ni Tsitsipas ang bata niyang utol na si Petros, at sina Michail Pervolarakis at Markos Kalovelonis na pumarito na bansa sa magkakahiwalay na araw at mga nagpahayag ng kahandaan laban sa host squad. Si Dimitris Chatzinikolaou naman ang non-playing captain.

 

Ang nasabing komposisyon ang bumuo rin sa Greece na umangat mula sa Group III tungo sa Group II gamit ang lumang format ng kompetisyon.

 

Asinta ng mga Pinoy na makasilat dahil hindi lang nila makasasagupa ang kalibre ni Tsitsipas kundi ang non-Asian sa unang pagkakataon sapul na makapaluan ang Swedes sa 1991 World Cup qualifier sa Maynila rin.

 

Natokang magtuos ang mga Pinoy at mga Greko matapos baguhin ang Davis Cup system of play.

 

Sina 2019 Southeast Asian Games doubles gold medalists Francis Casey Alcantara at Jeson Patrombon ang tatrangko sa kampanya ng bansa kasama sina Ruben Gonzales Jr, Alberto Lim Jr. at Eric Olivarez, Jr. Si Chris Cuarto ang non-playing skipper.

 

Sa kabila nito, handa naman ang Pinoy netters sa laban.

 

“Hopefully, the home court advantage will help us,” sambit ni Cuarto.

 

Isinagawa ang team draw kahapon (Huwebes) kung saan hahampas ang unang dalawang singles matches sa Biyernes habang ang doubles at ang huling dalawang reverse singles ay nakatakda sa Sabao. (REC)

Other News
  • Nag-share ng kanyang virtual diaries: GABBI, walang takot na mag-travel na walang kasama

    PAREHONG na-excite sina Jennylyn Mercado at Sam Milby nang malaman nilang muli silang magtatambal sa isang movie na may working title na “All About My Wife.”      Isa itong Philippine adaptation ng South Korean film with the same title pero hango sa Argentinian hit comedy movie na ”A Boyfriend for my Wife.”     […]

  • Psalm 27:8

    Your face, Lord, I seek.

  • Jesus; Mark 4:39

    Peace, be still.