• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinoy Para swimmer Ernie Gawilan, nagpasalamat sa naging suporta ng mga Pilipino sa Team Philippines

Nagpasalamat si Pinoy Para swimmer Ernie Gawilan sa naging suporta ng mga Pilipino sa Team Philippines para sa Parlympics 2024 na nakatakdang magtapos bukas, Setyembre-8.

 

 

Ayon kay Gawilan, buo ang suportang natatangap ng team mula sa sports fans at mga opisyal ng bansa mula pa man noong naghahanda pa lamang ang mga ito hanggang ngayong papatapos na ang naturang torneyo.

 

 

Si Gawilan ay isa sa mga miyembro ng Philippine delegation na umabot sa Finals ng 400m freestyle ng swimming ngunit bigong makapagtapos sa medal finish.

 

 

Nakuha nito ang ika-anim na pwesto sa kanyang event kasunod na rin ng magandang performance na ipinakita sa Para games.

 

 

Samantala, nais naman ang Pinoy Paralympian na tumutok sa karagdagan pang mga pagsasanay sa pagbabalik nito sa Pilipinas.

 

 

Gayunpaman, hindi pa umano niya alam ang mga susunod na papasuking kumpetisyon pagbalik dito sa Pilipinas, lalo at dedepende aniya ito sa kung ano ang mga suhestiyon ng kanyang coach.

 

 

Ang Team Philippines na sumabak sa Paris Para Games ay binubuo nina Allain Ganapin ng Taekwondo, Angel Mae Otom at Ernie Gawilan sa swimming, track and field athletes Jerrold Mangliwan at Cendy Asusano, at archer Agustina Bantiloc.

Other News
  • PBBM: Wala ng extension ng consolidation para sa PUJs

    SA ISANG pahayag ni President Ferdinand R. Marcos, Jr. kanyang sinabi na wala ng ibibigay na extension ang pamahalaan sa deadline ngayon Dec. 31 tungkol sa consolidation ng mga public utility jeepney (PUJs) upang maging kooperatiba o korporasyon.       “We held a meeting with transport officials and it was decided that the deadline […]

  • Salarin sa ‘luto’ hindi matunton ng PBA

    Hindi matunton ng PBA ang may sala sa “luto” remarks.   Kaya naman nagbabala si PBA commissioner Willie Marcial sa lahat ng koponan na iwasan ang anumang hindi magagandang statement habang nasa laro.   Dahil sa oras na muling may lumabag, isang mabigat na parusa ang nakaabang sa salarin.   Bantay-sarado na ng PBA ang […]

  • Ugas handang bigyan ng rematch si Pacquiao

    Handang bigyan ni Cuban champion Yordenis Ugas si Manny Pacquiao ng rematch.     Sinabi nito na malaki pa rin ang respeto nito sa fighting senator.   Dalawang daan porsyento aniya na ito ay hindi magdadalawang isip na bigyan si Pacquiao ng rematch.     Magugunitang nakuha ni Ugas ang unanimous decision na panalo kay […]