• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinoy Para swimmer Ernie Gawilan, nagpasalamat sa naging suporta ng mga Pilipino sa Team Philippines

Si Pinoy Para swimNAGPASALAMATmer Ernie Gawilan sa naging suporta ng mga Pilipino sa Team Philippines para sa Parlympics 2024 na nakatakdang magtapos bukas, Setyembre-8.

 

 

Ayon kay Gawilan, buo ang suportang natatangap ng team mula sa sports fans at mga opisyal ng bansa mula pa man noong naghahanda pa lamang ang mga ito hanggang ngayong papatapos na ang naturang torneyo.

 

 

Si Gawilan ay isa sa mga miyembro ng Philippine delegation na umabot sa Finals ng 400m freestyle ng swimming ngunit bigong makapagtapos sa medal finish.

 

 

Nakuha nito ang ika-anim na pwesto sa kanyang event kasunod na rin ng magandang performance na ipinakita sa Para games.

 

Samantala, nais naman ang Pinoy Paralympian na tumutok sa karagdagan pang mga pagsasanay sa pagbabalik nito sa Pilipinas.

 

 

Gayunpaman, hindi pa umano niya alam ang mga susunod na papasuking kumpetisyon pagbalik dito sa Pilipinas, lalo at dedepende aniya ito sa kung ano ang mga suhestiyon ng kanyang coach.

 

 

Ang Team Philippines na sumabak sa Paris Para Games ay binubuo nina Allain Ganapin ng Taekwondo, Angel Mae Otom at Ernie Gawilan sa swimming, track and field athletes Jerrold Mangliwan at Cendy Asusano, at archer Agustina Bantiloc.

Other News
  • Ads February 11, 2020

  • Онлайн Слоты В Казино Играть Бесплатно Без Регистрации

    Онлайн Слоты В Казино Играть Бесплатно Без Регистрации” Топ 100 самых Слотов Рейтинг Игровых Автоматов В Казино Онлайн Content Играть и Самые Новые Слоты В Хорошем княжеченко На Мобильных Телефонах Проверьте Новые Слоты Проверенные Игровые Автоматы Онлайн – такие Честные Слоты Топ-5 одним Онлайн-казино малоизвестные Автоматы С Функцией Bonus Buy ▶️ Что это Слоты%3F Преимущества […]

  • Pinay tennis star Alex Eala binigyang pagkilala sa Kamara

    KINILALA ng House of Representative si Pinay tennis player Alex Eala matapos na magkampeon sa 2022 US Open juniors division singles title.     Ipinasa ng mga mambabatas ang House Resolution 362 na nagbibigay komendasyon sa 17-anyos na si Eala.     Siya ang unang Filipino tennis player na nagwagi ng Junior Grand Slam single […]