PINOY SKATERS, POKUS SA TOKYO OLYMPICS
- Published on February 24, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI naging balakid ang malaking kawalan ng world-class training facility sa bansa, dahil sa ‘di matatawaran ang kahusayan ng Pinoy skateboarders na patuloy na namamayagpag sa kasalukuyan.
Sinabi ni Carl Sembrano, bagong halal na pangulo ng Skateboarding and Rollerskates Sports Association of the Philippines (ARSAP), malaki ang tsansa ng mga Pinoy na mapasabak sa 2020 Tokyo Olympics.
“Kahit ako talagang nagugulat sa ipinakikitang galing ng ating mga skater. After dominating the SEA Games, tuloy ang magandang performance natin particularly sa abroad. To tell you frankly, ako mismo nagugulat sa kanilang galing, despite the fact that we have no international standard training facility,” pahayag ni Sembrano. “Sa US tournament, halos isang oras lang nagsanay ang ating mga skater sa facility na first time lang nilang nalaruan. After the event, No.5 si Margielyn Didal. What more kung meron tayong pasilidad na pagsasanayan nila.”
Kaya panawagan ni Sembrano sa pamahalaan at sa mga pribagong sektor na tulungan silang makapagpatayo ng pasilidad na batay sa international standard. “Ang PSC at POC po ay sumusuporta sa amin sa lahat ng aspeto pero iba po yung sarili naming pasilidad,” dagdag niya.
May itinayong skateboarding facility sa Tagaytay City na ginamit din sa 39th SEA Games noong Disyembre, ngunit sinabi ni Sembrano na hindi ito international standard dahil gawa lamang sa mga mahihinang material.
“But again despite of this, our skaters won six gold medals with Didal dominating the SKATE and women’s street skate completion,” giit ni Sembrano sa forum ng mga miyembro ng TOPS o Tabloid Organization in Philippine Sports.
Tulad ni Didal, kasalukuyang No. 8 sa World Ranking sa Street event, nakatuon din ang pansin nina De Lange at Feliciano, gayundin ang iba pang miyembro ng national team, sa pagsabak sa Olympic qualifying events sa abroad.
“Because of the Corona virus scare, hindi nakasali ang ating mga skater sa Olympic qualifying sa HongKong and Australia. Meron pa namang nakalinya na puwede naming salihan and hopefully makakuha tayo ng slots for the Tokyo Games,” paliwanag ni Sembrano.
Para naman kay De Lange, hindi lamang ang Olympics ang kanyang pakay kundi ang mahikayat ang mga kabataan na subukan ang sport na skateboarding.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa siya ng libreng skateboarding clinics sa Filinvest, Muntinlupa.
“Last time we have 50 participants. This Sunday I expected the number to double. It’s good for the sports. With the help of Blackwater, my mission is to help the kids and old alike to learn the basics,” sabi ni De Lange. “So bring your skateboard and join us this Sunday. It’s free and open to everybody.”
-
Implementasyon ng RA 10070, siniguro ng Bulacan provincial social welfare
SA tagubilin ni Gobernador Daniel R. Fernando, siniguro ni Bulacan Provincial Social Welfare and Development Officer Rowena Joson-Tiongson na maayos na naipatutupad sa lalawigan ang Republic Act No. 10070 kung saan nakapaloob ang pagkakaroon ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) dahilan upang magkaroon ng PWD General Assembly sa Mall Atrium, SM Pulilan. Ipinaliwanag […]
-
1,814 Bulakenyo, tumanggap ng pinansyal na tulong mula sa DOLE, DOT
LUNGSOD NG MALOLOS– Umabot sa 1,814 Bulakenyong apektado ng pandemya ang pinagkalooban ng ayuda sa ilalim ng ‘financial assistance program’ ng Department of Tourism (DOT) at Department of Labor and Employment (DOLE) na ginanap sa “COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) Awarding of Beneficiaries” sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito kamakailan. Tumanggap […]
-
PBBM, gustong baguhin ang pagtutok sa general public health sanhi ng pagtaas ng bilang ng iba’t ibang sakit
NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na baguhin ang pagtutok sa mga alalahanin na may kinalaman sa general public health bunsod na rin ng pagtaas ng bilang ng iba’t ibang sakit maliban sa COVID-19 sa bansa. Nabanggit ng Pangulo ang bagay na ito sa pakikipagpulong nito kay World Health Organization director general Dr. […]