• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinoy surfers kakasa sa El Salvador

Sasabak ang isang six-man Philippine sur­fing team sa World Sur­fing Games sa hanga­ring makahugot ng tiket sa Olympic  Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo.

 

 

Bibiyahe bukas sina 2019 Southeast Asian Games gold medalist Nilbie Blancada, SEA Games silver medalist Jay-R Esquivel, SEA Games bronze meda­list Daisy Valdez, SEA Games bronze medalist John Mark ‘Marama’ Tokong, Edito ‘Piso’ Alcala Jr. at Vea Estrellado patungo sa El Sunzal, El Salvador para lumahok sa Olympic qualifying meet.

 

 

Nakatakda ang World Surfing Games sa Mayo 29 hanggang Hunyo 6 kung saan sasalang ang anim na national surfers sa shortboard category.

 

 

“The top Asian who finishes will qualify for the Olympics,” sabi ni United Philippine Surfing Association (UPSA) president Dr. Raul Canlas.

 

 

Hindi na gagamitin ng International Surfing Association (ISA) sa World Surfing Games ang qualifying format at sa halip ay magsisilbi itong automatic qualifier para sa 2021 T­okyo Olympics.

Other News
  • Wish ng fans na magkaanak na sila ni Kat: CHRISTIAN, ‘di pa rin makapaniwalang 20 years na sa showbiz

    HINDI makapaniwala si Christian Baustista na dalawang dekada na siya sa showbiz at bilang pasasalamat sa mga sumuporta sa kanya, may pinaghahandaan itong anniversary concert ngayong January.   Nagpapasalamat ang tinaguriang Asia’s Romantic Balladeer na maayos at malakas ang kanyang pangangatawan para magawa niyang ma-celebrate ang 20 years sa industriya.   “We’re gonna obviously reminisce […]

  • Ads November 28, 2024

  • PBBM, kinilala at itinuturing ang mga mangingisda at magsasaka bilang mga bayani ng Pinas

    ITINUTURING at kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga magsasaka at mangingisda bilang mga bayani ng Pilipinas dahil sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga ito para sa mga Filipino.     Sa naging talumpati ng Punong Ehekutibo sa pagbubukas ng Agri Exhibit 2022 sa World Trade Center, inihayag ni Pangulong Marcos na unsung […]