• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinoys sa Taiwan naghahanda na sa paglikas

ISANG grupo ng mga Filipino sa Taiwan ang magpupulong tungkol sa evacuation plans sa gitna ng tumitinding tensiyon sa pagitan ng Amerika at China.

 

 

Sinabi ni Mercedita Kuan, secretary-general ng Filcom Taiwan Northern na bagaman normal pa ang sitwasyon sa Taiwan, nananatili pa rin ang kanilang takot.

 

 

Sinabi ni Kuan na magkakaroon ng virtual meeting sa Linggo ang kanilang grupo at Manila Economic and Cultural Office (MECO) upang talakayin ang mga plano sa paglikas kapag tumindi ang tensiyon.

 

 

Ang MECO, isang non-profit na entity ay nagsisilbing “unofficial” link sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan.

 

 

Itinayo ang MECO noong 1975 bilang kinatawan ng Pilipinas sa Taiwan.

 

 

Sinabi ni Kuan na sa gagawing pagpupulong sa Linggo ay lilinawin nila sa MECO kung papaano ililikas ang nasa 8,000 undocumented overseas Filipino workers.

 

 

Nagpahayag din ng pag-asa si Kuan na hindi na lumala pa ang tensiyon na nagsimula pagkatapos ng pagbisita sa isla ni US House Speaker Nancy Pelosi.

 

 

Nagsimula na rin ang China na magsagawa ng military exercises malapit sa Taiwan. (Daris Jose)

Other News
  • ‘My Working Team’ ipinakilala ni Tolentino para sa POC elections

    PINATINGKAD ng tatlong gold medals sa magkasunod na Olympic Games at apat na ginto sa Asian Games tampok ang men’s basketball title ang pamamahala ni Abraham “Bambol” Tolentino sa Philippine Olympic Committee (POC).     Idagdag pa sa mata­gumpay na pagmamando ni Tolentino sa POC ang nakamit na overall championship sa pamamahala ng bansa sa […]

  • Kaya hindi mahirap idirek sa ‘Pulang Araw’: DENNIS, tutok sa character kaya nakagugulat ang pag-atake

    HINDI na raw nahirapan ang GMA resident director na si Dominic Zapata sa pagdirek kay Dennis Trillo sa teleserye na ‘Pulang Araw’ kunsaan gumaganap ang aktor bilang mabagsik na opisyal ng Japanese Imperial Army.       Kilala raw niya si Dennis at ang method nito kapag may role ito na nakaka-challenge sa pagiging aktor […]

  • Suportado nina Ice, Lara at Martin: RYAN GALLAGHER, magtatanghal ng first major concert sa Manila

    MAGHANDA para sa isang pasabog na concert ng The Voice USA season 19 Fan favorite na si Ryan Gallagher sa “The Voice of Ryan” na gaganapin sa Music Museum sa Pebrero 17, 2024.   Kilala sa kanyang nakakaakit na classical voice, at sa nakakikilabot na pag-awit nya ng “The Prayer” ni Andrea Bocelli at Celine […]