• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinsala ng ASF sa mga babuyan sa bansa umaabot na sa P32-B

HALOS umaabot na sa P32-B ang umano’y nawala na sa swine industry sa bansa mula noong mapasok ang bansa ng African Swine Fever o ASF na naging salot na sakit sa mga baboy na ikinamatay ng mga ito.

 

Ayon sa Bureau of Animal Inustry (BAI) , 31 probinsya sa buong bansa ang naapektuhan na ng ASF kung saan umabot na sa 344,000 na mga alagang baboy ng mga magsasaka ang isinailalim sa culling operation na umaabot na sa 20% na impact ng ibinaba nito sa industriya ng babuyan kung saan labis na naapektuhan dito.

 

Sinabi ng BAI na malaki ang naitulong ng mahigpit na quarantine checkpoints bunsod ng mahigpit na quarantine classifications ngunit ng lumuwag ito ay unti- unti nanamang tumaas ang kaso ng ASF sa bansa. Isa rin sa sinasabing pinag mulan ng pag pasok ng ASF sa bansa ay sa paliparan kungsaan hindi umano naging mahigpit ang mga tinatawag na animal quarantine doon.

 

Ayon pa sa BAI na malaki ang naitulong ng mahigpit na quarantine checkpoints bunsod ng mahigpit na quarantine classifications ngunit ng lumuwag ito ay unti-unti nanamang tumaas ang kaso ng ASF sa bansa.

 

Habang nananatili namang ASF Free ang Visayas at Mindanao, maliban lamang sa bahagi ng Davao Occidental. Hindi rin dapat umano ito maging dahilan ng pag taas ng presyo ng karne ng baboy sa merkado. (Ronaldo Quinio)

Other News
  • 18-anyos British tennis player Raducanu naibulsa ang 1st US Open title matapos talunin ang Filipina-Canadian na si Fernandez

    Naibulsa ng teenager at British professional tennis player na si Emma Raducanu ang kanyang kauna-unahang US Open matapos talunin ang teenager din na Filipina-Canadian na si Leyla Fernandez.     Sa unang set nagkaroon nang adjustment ang dalawang teenage tennis rising star dahil hindi pa nila makuha ang kanilang momentum.     Dikit ang unang […]

  • DA, nakikita ang pagbaba ng SRP para sa sibuyas sa ikalawang linggo ng Enero

    INAASAHAN na itatakda sa ikalawang linggo ng Enero ang mababang suggested retail price (SRP) para sa sibuyas.     Sinabi ni  Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary at Spokesperson Kristine Evangelista, araw ng Lunes na ang P250 kada kilogram na SRP para sa sibuyas ay napaso’ na nitong araw ng Sabado, Enero 7, dahilan para […]

  • Villarito ‘di takot sa bomba

    NALILIBANG si national women’s javelin throw record holder Rosie Villarito sa patuloy na military training habang wala pang kasiguruhan ang practice ng mga national athlete dahil sa coronavirus disease 2019.   Pinakahuling destino ng 40-anyos na tubong Cauayan, Negros Occidental  at military athlete sa palipat-lipat na division sa iba’t-ibang lugar sa bansa ang pagiging kasapi […]