• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinsala ni Enteng sa Agriculture umabot na sa P350 milyon – DA

UMABOT na sa P350 -milyon ang inisyal na halaga ng pinsalang natamo ng agri sector dahil sa pananalasa ng bagyong Enteng.

 

 

Batay sa datos ng Department of Agriculture (DA), mayroong 8,893 na ektarya ng sakahan ang naapektuhan sa Bicol region.

 

 

Katumbas ito ng 13,623 na apektadong magsasaka at production loss na 14,814MT.

 

 

Mula sa mga sakahan ng palay na apektado, 63% ang partially damaged habang 36% o katumbas ng 3,000 ektarya ang labis na napinsala.

 

 

Kaugnay nito, inihahanda naman ng DA ang assistance nito sa mga apektadong magsasaka kabilang ang higit P200-M halaga ng binhi, biocontrol measures at makinarya.

 

 

Gayundin ang Survival and Recovery (SURE) Loan Program from the Agricultural Credit Policy.

 

 

Tiniyak naman ng DA ang patuloy na assessment sa pinsala ng bagyo sa iba pang rehiyon sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Sec.Andanar, nagpaabot ng panalangin sa agarang paggaling ni Sec. Diño na nagpositibo sa Covid-19

    NAGPAABOT ng panalangin si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar para sa mabilis na paggaling ni Presidential Assistant for the Visayas Michael Lloyd Diño na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).   “We extend our prayers of speedy recovery and good health to Presidential Assistant for the Visayas Secretary Michael Lloyd Diño after […]

  • PBBM naglabas ng P173-M standby funds para sa apektado ng Super Typhoon Egay

    PINATITIYAK ni Pang. Ferdinand Marcos na nakahanda na ang P173 million standby-fund na gagamitin para sa halos 40,000 pamilyang apektado ng Super Typhoon Egay.     Ipinag-utos na rin ng Pang. Marcos ang deployment ng mga search and rescue teams sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng super typhoon.     Nananatiling nakatutok ang Pangulo […]

  • Arrest warrant kay Quiboloy, tuloy

    SA HALIP na maglabas ng temporary restraining order (TRO), inatasan ng Korte Suprema ang Senado na maghain ng komento sa petisyon ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader at founder, Pastor Apollo Quiboloy, na humihiling na patigilin ang legislative chamber sa pagpapaaresto sa kanya.     Nangangahulugan ito na nananatili pa ring epektibo ang arrest […]