Pinsala sa agrikultura ni Karding, lumobo na sa P160.1M —DA
- Published on September 28, 2022
- by @peoplesbalita
LUMOBO na sa P160.1 milyong piso ang pinsala at pagkalugi sa agrikultura dahil sa hagupit ng bagyong Karding.
Sa pinakahuling pagtataya ng Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (DRRM) ng Department of Agriculture (DA), sakop nito ang 16,659 ektarya ng agricultural areas sa Cordillera Administrative Region , Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, at Bicol Region.
“This translates to a volume of production loss of 7,457 metric tons (MT) of commodities such as rice, corn, high value crops, and fisheries affecting 3,780 farmers and fisherfolk,” DA.
“These values are subject to validation. Additional damage and losses are expected in areas affected by ‘Karding’,” ang nakasaad naman sa latest bulletin ng DA, “as of 5 ng hapon, araw ng Lunes, Setyembre 26.
Tiniyak ng ahensiya na available ang tulong sa mga apektadong magsasaka at mangingisda kabilang na ang 133,240 supot ng rice seeds; 5,729 supot ng corn seeds; at 4,911 kilograms ng assorted vegetable seeds.
Mayroon din itong gamot at biologics para sa “livestock at poultry,” at fingerlings at tulong sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Sinabi pa ng departamento na maaari nilang gamitin ang Survival and Recovery (SURE) Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC), at P500-milyong halaga ng Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar. (Daris Jose)
-
Ads November 7, 2022
-
Ex-PRRD nakahandang humarap sa ICC, hinamon ang int’l criminal court
HINAMON ni dating pangulong Rodrigo Roa Duterte ang International Criminal Court (ICC) na simulan ang imbestigahan nito sa kanyang madugong war on drugs. Sa pagharap ng dating pangulo sa pagdinig ng Quad Comm, sinabi ni Duterte sa ICC na “come here and start the investigation tomorrow,” sabay dagdag na baka yumao siya bago magkaroon […]
-
Ads September 5, 2020