• September 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinuri ng netizens dahil diyosang-diyosa pa rin… R’BONNEY, naranasan ding umangkas nang ma-stuck sa trapik

KAHIT Miss Universe pa man, naaapektuhan ng sobrang traffic sa Maynila!

 

 

 

Kaya naman upang makaiwas sa trapiko ay sumakay sa motorcycle riding service si Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel!

 

 

 

Kesa nga naman ma-stuck at maubos ang oras sa loob ng kanyang sasakyan, deadma sa poise at umangkas sa motorsiklo si R’Bonney.

 

 

Hindi lamang iyan, ni-post pa niya sa kanyang Instagram Reel ang kanyang experience, na umani ng papuri dahil queenly pa rin at napakaganda at napaka-poise ng beauty queen habang nakaangkas sa motor!

 

 

Aminado naman si R’Bonney na ninerbiyos siya sa una niyang experience na ito.

 

 

At reaksyon ng mga netizen, kahit na nakasuot ng helmet ay diyosang-diyosa pa rin ang ganda nito.

 

 

Lahad pa ni R’Bonney, “When you refuse to spend 2.5 hours in the car with traffic but now you have to worry about the upcoming 4 way intersection with no light, everyone ignoring the lane markings, and making it home before it rains.

 

 

“And do the honks mean “hello?” or move out of the way???”

 

 

Umani rin ng papuri si R’Bonney na bukod sa kagandahan niya ay ang pagsubok niya sa isang aspeto ng pagiging Pilipino; may dugong Pinoy si R’Boney dahil Pinoy ang ama niya.

 

 

At ang pag-angkas sa motor ay regular na gawain na nating mga Pilipino, well, yung mga malalakas ang loob, siyempre.

 

 

Tanda namin, many years ago, noong hindi pa uso dito sa Pilipinas ang motorsiklo bilang uri ng public transportation, nasa Bangkok sa Thailand kami ni Judy Ann Santos at ang aktres ang unang nagturo at nagyaya sa amin na umangkas sa motorsiklo o habal-habal na sa Thailand nagsimula at unang naging public transport bago pa man sa Pilipinas.

 

 

***

 

 

TINANONG namin si Ashley Sandrine Yap, bilang matinee idol ang ama niyang aktor na si Richard Yap, kung ano ang feeling niya kapag may mga babae (at bading) na may crush sa tatay niya.
“Natutuwa naman po ako!

 

 

“Actually, marami nga pong nagsasabi sa akin na, ‘Oh my God, crush ko yung daddy mo!’, ‘Oh my God, ang hot ng daddy mo!’

 

 

“Tapos parang, natatawa na lang po ako kasi sanay na rin po ako, and I’m very happy na even at his age, di ba, na marami pa ding nagka-crush sa kanya talaga.”

 

 

At ang reaksyon ni Richard sa sinabi ng anak ay, “Sinasabi niya sa akin, ‘Mas mabuti ng may nagkaka-crush sa iyo kesa wala!’”

 

 

Ano ang best advise kay Ashley ng daddy niya?

 

 

“To be hands-on talaga and to know na you know, paglalaanan mo siya talaga ng oras and may mga paghihirap kang pagdadaanan, but we have them, my parents.”

 

 

Sa mga hindi nakakaalam, artista rin si Ashley, nakakontrata ang dalaga sa GMA Network bilang isang Sparkle artist.

 

 

Pero hindi pa nagkasama sa anumang serye ang mag-ama, at iyon sana ang nais ni Ashley.

 

 

“Actually iyon po yung dream ko, I really wanna be able to work with him onscreen talaga.”

 

 

Hindi ba siya mag-ge-guest sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’ na top-rating TV series ng GMA kung saan isa si Richard sa mga bida?
“Malay po natin in the future,” ang isinagot ni Ashley.

 

 

Hindi man magkasama sa show ay magkasama naman bilang business partners sina Ashley at Richard sa negosyo ni Ashley na Sip2Glow Collagen Drink na available online.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Pagkamatay ng mga high profile inmates sa NBP, iimbestigahan

    Welcome umano kay Bureau of Corrections (BuCor) Director Gerald Bantag ang direktiba ng Department of Justice (DoJ) na pumasok na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ng mga high profile inmates sa New Bilibid Prison (NBP).   Una rito, nagpalabas ang DoJ ng departm order (DO) para magsagawa na ang […]

  • Fajardo inakay ang Gilas sa panalo

    NAITAKAS ng Gilas Pilipinas ang dikit na 76-73 panalo kontra sa karibal na Thailand sa pagsisimula ng 31st Southeast Asian Games 5-on-5 basketball kagabi sa Thanh Tri Gymnasium sa Hanoi, Vietnam.     Maagang naiwan sa 10-point deficit ang Nationals bago sumandal kay June Mar Fajardo upang agawin ang manibela at diskarilin ang muntikang comeback […]

  • Olympic bronze medalist Eumir Marcial at longtime girlfriend ikinasal na

    Ikinasal na ang Filipino boxer at Olympic bronze medalist Eumir Marcial sa kaniyang longtime girlfriend na si Princess Galarpe.     Dumalo sa beach wedding ang kapwa nitong olympian na sina Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Hidilyn Diaz.     Pinamunuan naman ni Philippine Olympic Committee at Cavite Rep. Bambol Tolentino ang pag-iisang dibdib ng […]