Piolo Pascual, nag-donate ng 100 bisikleta sa Naga City
- Published on December 16, 2020
- by @peoplesbalita
Nag-donate ng 100 mga bisikleta si Piolo Pascual sa lungsod ng Naga.
Sa inilabas na impormasyon ni Naga City Mayor Nelson Legacion, nabatid na ito ay kaugnay ng proyekto ni Gretchen Ho na “Donate a Bike, Save a Job”.
Layunin aniya ng naturang kampanya na makatulong sa transportasyon at hanapbuhay kung saan naipamahagi ito sa mga magsasaka, guro, mga frontliners at mga essential service workers gayundin ang mga nagtatrabaho sa mga delivery services at mga crew nito.
Nabigyan din ang ibang benepisyaryo mula sa karatig-bayan na nagtatrabaho rin sa nasabing lungsod.
Samantala, ayon pa kay Legacion, naging posible aniya ang aktibidad sa pagtutulungan ng JCI PILI Isarog, Move As One Coalition, Metro Naga Cycling and Walking Group at ng gobierno-lokal sa pamamagitan ng Naga City Bicycle Board.
-
G7 Nation, magpapataw rin ng mga bagong economic sanctions sa Russia
NAGKAISA rin ang Group of Seven industrialized Nation na magpataw pa ng mga panibagong kaparusahan laban sa Russia. Kaugnay pa rin ito ng mga ginagawang pananalakay ng Russia sa Ukraine na sanhi naman nang pagkasawi ng daan-daang mga sibilyan dito. Nakasaad sa isang statement na nagkasundo ang G7 leaders na ipagbawal […]
-
Bong Go: POGO isarado kung perhuwisyo
HINIMOK ni Senator Christopher “Bong” Go ang gobyerno na maingat na balansehin ang perhuwisyo at benepisyo na hatid ng mga Philippine offshore gaming operations (POGOs) sa bansa at tiyakin kung napananatili nito ang kapayapaan at kaayusan, gayundin ang pangangalaga sa buhay ng mga tao. Ani Go, kung pulos kaperhuwisyuhan lamang at wala nang […]
-
2 MIYEMBRO NG CRIME RING NA SANGKOT SA LUFFY CASE, PINA-DEPORT
DALAWA sa hinihinalang miyembro ng crime ring sa bayolenteng pagnanakaw sa Japan ay pina-deport na nitong Martes. Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, sina Fujita Toshiya at Imamura Kiyoto, kapwa 38-anyos ay pinaalis na ng bansa na nasa maximum security sakay ng Japan Airlines patungong Tokyo. Sina Fujita at Imamura ay […]