PISO na PROVISIONAL INCREASE ng PASAHE sa HALIP na TATLONG-PISO
- Published on October 14, 2021
- by @peoplesbalita
Balak mag-petition sa LTFRB ang ilang jeepney transport groups para sa provisional increase na P3 – tatlong-piso – sa minimum fare dahil sa napakamahal na presyo ng diesel ngayon.
Sa dating P9. pesos ay magiging P12. pesos ang singil ng minimum fare.
Dama natin ang hinaing ng mga operators at drivers sa panahon ngayon na marami sa kanila ay namamalimos na sa lansangan dahil hindi sila nakapamasada ng mahabang panahon dahil sa kasalukuyang pandemya. At noong ibinalik ang pasada ay bawas ang kanilang pasahero dahil kailangan sumunod sa health protocols ng mga tao at para mapanatili ang social distancing sa public transport.
Pero sa tingin ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ay masyado pong mataas ang hinihinging dagdag tatlong-piso para sa mga ordinaryong mananakay na marami sa kanila ay nawalan din ng trabaho at naghihikayos din sa buhay.
Magkakaroon ng pandinig ang LTFRB pagkatapos maghain ng petisyon ang mga jeepney groups. At sa LCSP ay hiling namin na piso na lang muna ang idagdag sa halip na tatlong-piso. Ang P9. pesos ay magiging P10. piso na minimum fare.
Bagamat hindi kalakihan ang pagtaas ay mababalanse natin ang pangangailangan ng mga transport groups at ang kakayahan ng mga pasahero.
Kailangan pa rin ituloy ang tulong ng pamahalaan sa mga driver at operators at isang-tabi muna ang mga polisiyang pahirap sa kanila sa panahon ng pandemya. Ito po ang posisyon ng LCSP.
Piso, hindi tatlong-piso. (Atty. Ariel Enrile-Inton)
-
Fajardo papuwede na sa Abril – Austria
INALIS ni Leovino ‘Leo’ Austria ang agam-agam ng mga Philippine Basketball Association (PBA) at Beermen fan sa pag-absent ni June Mar Fajardo sa Gilas Pilipinas para sana sa 30th International Basketball Federation (Fiba) Asia Cup 2021 Qualifiet third window sa Clark sa Pebrero 15-23. Ginarantiyahan ng San Miguel coach na sigurado naman ang pagbabalik […]
-
Ads November 14, 2023
-
Ads April 17, 2021