PISTON pinipilit ang LTFRB na ibasura ang consolidation
- Published on December 12, 2023
- by @peoplesbalita
NAG-protesta ang mga miyembro ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa labas ng Mababang Kapulungan sa lungsod ng Quezon noong nakaraang Huwebes.
Ang Party list na Makabayan ay naghain ng Resolution 1506 na hinihikayat ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ibasura ang Department Order 2017-011 na mas kilalang Omnibus Franchising Guidelines na may mandato sa pagpapatupad ng Franchise Consolidation sa darating na Dec. 31, 2023.
Nangangamba ang grupong PISTON sa posibleng economic impact at exclusion ng mga small at single-vehicle operators na siyang sinusulong ng pamahalaan upang magkaron ng franchise consolidation na papayagan lamang na magkaroon ng isang franchise sa iisang ruta.
Sa transportasyon pa rin at sa gitna ng kaguluhan at problema sa pagpapatupad ng full digital shifting ng lahat ng transaksyon sa Land Transportation Office (LTO), maraming grupo naman ang sumusuporta sa mungkahi na ang Management Information Division (MID) ang siyang hahawak ng full transition sa Land Transportation Management System (LTMS) ng ahensya.
Ang mga grupo ay ang mga sumusunod: Automobile Association Philippines (AAP), Philippine Automotive Dealers Association (PADA), Philippine Insurers and Reinsurers Association (PIRA), Philippine Transport Monitor (Philtram), at ang Vox Dei Protocol System Inc. Sila ang nagsabing na ang full LTMS utilization ay magbibigay ng honest-to-goodness na digital transformation na mabibigyan ng benepisyo ang mga kliente ng LTO.
“The LTMS not only represents a significant technological leap but also assures a corruption-free environment which is a vital factor in any national progressive goal. This move reflects a genuine commitment to enhancing the experience of owning a motor vehicle and we at AAP stand firmly in support of the government’s efforts,” wika ni AAP president Augustus Ferreria.
Tinutulak ni LTO assistant secretary Vigor Mendoza III ang full utilization ng LTMS upang bigyan suporta naman ang utos ni President Ferdinand Marcos, Jr. ang pagkakaroon ng digital shift sa lahat ng sangay ng pamahalaan upang masiguro ang mabilis, epektibo, komportable at efficient na serbisyo sa publiko.
Ang LTMS ay nilagay sa pangunguna ng isang German na kumpanya sa joint venture nito sa grupong Dermalog-Holy Family Printing Corp. LASACMAR
-
Balitang dinumog ng Vilmanians ang movie: VILMA, inaasahang mag-Best Actress din sa ‘Manila International Film Festival’
TUMAWAG sa amin ang isang kaibigang Vilmanian na naka-base na ngayon sa Amerika. Ibinalita niya sa amin na punum-puno raw at dinumog ng mga Vilmanians ang pelikulang “When I Met You In Tokyo”. Ang naturang movie nina Star for All Seasons Vilma Santos at Drama King Christopher de Leon ang opening movie para […]
-
Pagku-quit sa showbiz, itsa-pwera na: BEAUTY, ipinagmamalaki ang mga tattoo maliban sa ‘butterfly’
KINUNAN namin ng pahayag si Beauty Gonzalez tungkol sa isyu ng kanyang mga alahas na isinuot sa GMA Ball noong July 22, 2023 kung saan isang cultural critic at independent curator, si Marian Pastor Roces. Sinita ang aktres dahil sa paggamit ng mga alahas na galing sa patay o “death mask” na ginagamit na pangtakip […]
-
Beermen nagkampeon sa PBA Philippine Cup matapos tambakan ang TNT 119-97
NAKUHA ng San Miguel Beermen ang kampeonato ng 2022 PBA Philippine Cup matapos tambakan ang TNT Tropang Giga 119-97. Tinanghal bilang PBA Press Corps Finals Most Valuable Player sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum sa harap ng 15,915 audience. Nanguna sa panalo ng Beermen si CJ Perez na nagtala ng […]