• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PITX may paglilinaw, lahat ng mga drivers negatibo raw sa drug test

NILINAW ngayon ng pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na walang nag-positibo sa drug test na mga drivers na gumagamit sa bus terminal.

 

 

Ang naturang drug test ay isinagawa noong nakaraang linggo.

 

 

Nilinaw ito ni PITX spokesperson Jason Salvador kasunod na rin ng mga napaulat na mayroong mga drivers ng bus na nagpositibo sa isinagawang random drug tests.

 

 

Aniya, ang naturang mga drivers ay naka-deploy daw sa ibang terminal at hindi sa PITX.

 

 

Noong Sabado nang magsagawa ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng drug test sa iba’t ibang bus terminal at nasa 61 public utility vehicle drivers, conductors at dispatchers ang nag-positibo sa iligal na droga.

 

 

Ang isinagawang random drug test ay bilang paghahanda pa rin ng pamahalan sa Holy Week.

 

 

Ayon sa PDEA, nasa 4,210 individuals ang sumailalim sa screening sa nationwide implementation ng Oplan Harabas noong Biyernes na isinagawa dahil sa asahang pagbuhos ng mga Holy Week travelers.

 

 

Samantala, kahapon, Palm Sunday, mas kaunti raw ang naitalang pasahero sa PITC kumpara sa mga nakaraang mga araw.

 

 

Noong Biyernes, mahigit 100,000 na pasahero daw ang bumuhos sa PITX.

 

 

Inaasahan naman daw ng PITX management na asahan ang pagbuhos ng maraming pasahero bukas hanggang Good Friday dahil sa mga uuwing mga pasahero sa probinsiya para sa Holy Week.

Other News
  • Dahil sa naglalakihan at nagkikislapang mga alahas: SHARON, agaw-pansin sa debut party ng inaanak na si YOHAN

    AGAW-PANSIN sa debut party ni Yohan Agoncillo si Sharon Cuneta!     Shining, shimmering, splendid kasi ang Megastar dahil sa naglalakihan at nagkikislapan niyang mga alahas, mula sa kanyang hikaw, kuwintas, bracelet at singsing, mistulang isang walking jewelry store (hindi pawnshop, huh!) si Sharon.     Well, wala na namang nakagugulat pa roon knowing na […]

  • Humihingi ng danyos sa halagang $30 million: Sean “Diddy” Combs, kinasuhan ng sexual assault ng dating empleyado

    WALA pa raw lovelife ang Kapuso actress na si Analyn Barro dahil mas gusto raw niyang mag-concentrate sa kanyang career.     Goal kasi ni Analyn na makapag-ipon para makapagpatayo ng sarili niyang bahay.     “Dedma muna tayo sa mga nanliligaw. Career muna ang priority ko. Kailangan focus lang sa work para makapag-ipon tayo. […]

  • “GRAN TURISMO: BASED ON A TRUE STORY” TO HOLD SNEAK PREVIEWS AUGUST 21 & 22

    AN underdog sports story based on the life of a real gamer-turned-racecar driver, Gran Turismo: Based on a True Story will have sneak preview screenings at regular run admission prices in cinemas nationwide on Monday August 21, and Tuesday August 22. Be among the first to catch the film – watch it a week before it begins […]