• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Placement fee sa OFWs, pinatitigil

PINATITIGIL  ng mga senador ang pangongolekta ng placement fee mula sa mga Filipino na nagnanais na makapagtrabaho sa ibang bansa.

 

 

Ayon kay Senate Majority leader Joel Villanueva, dapat pairalin na sa lahat ng OFWs ang patakaran ng Japan na ‘no charging of placement fee’.

 

 

Paliwanag pa ni Villanueva, sa ilalim ng Migrant workers and Overseas Filipino Act, maliwanag na wala dapat kinokolektang fees tulad ng government, placement, introduction at assistant fees.

 

 

Sang-ayon naman dito si Senate Minority leader Koko Pimentel at sinabing dapat ang mga foreign employer ang dapat kolektahan ng recruitment agencies ng placement fees.

 

 

Ito ay dahil sila ang makikinabang sa magiging serbisyo ng mga papasok na OFWs.

 

 

Nauna nang sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na sa pagbiyahe nila ng Pangulo sa Japan ay nadiskubre nila na mayroong mga trainees sa ilalim ng Technical Internship program sa nasabing bansa partikular sa skilled workers na hindi dapat pinagbabayad ng placement fees subalit mayroon pa rin naniningil dito. (Daris Jose)

Other News
  • Pinas, naghain ng diplomatic protest laban sa Tsina

    NAGHAIN ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa Tsina  matapos ang panibagong insidente ng harassment at panghaharang ng Chinese Coast Guard at Chinese Maritime Militia sa barko ng Pilipinas habang nagsasagawa ng routine resupply at rotation mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, araw ng Biyernes, Nobyembre 10.     Sa isang kalatas, iginiit […]

  • Pagbabago sa ‘flexible learning scheme’ kailangang maipatupad sa susunod na academic year

    NAIS ng Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA) na dapat maipatupad na sa susunod na academic year ang anumang pagbabago sa patakaran sa flexible o hybrid learning.     Ito ay may kaugnayan sa kautusan ng Commission on Higher Education (CHED) para sa mga higher education institutions (HEIs) na magpatibay ng […]

  • PAALALA SA SAKIT NA LEPTOSPIROSIS

    NAGPAALALA ang Department of Health o DOH sa publiko sa mga nakukuhang sakit  lalo na ang leptospirosis dahil sa matinding pagbaha dulot ng bagyong Karding.     Sinabi ni DOH-OIC Maria Rosario Vergeire na bunsod ng bagyo, marami ang lumusong sa baha at nag-evacuate kaya inatasan nito ang lahat ng lumusong sa baha na magtungo […]