• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Plano na church wedding ‘di muna matutuloy… LUIS at JESSY, parang kinasal muli sa naisip na ‘preggy reveal’

MARAMING masaya sa announcement ng mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano.

 

Finally, magkaka-baby na sila!

 

Ang bongga rin ng naisip na concept na baby or preggy reveal nina Jessy at Luis na ipinalabas nila sa Youtube channel ni Jessy. Para lang silang ikinasal muli with Jessy wearing a white gown at si Luis naman naka-tuxedo in a beautiful setting.

 

Dahil sa pagbubuntis ni Jessy, maiisantabi muna ang plano raw sana nila kasing church wedding ngayong taon. Pero it’s a welcome and happy change dahil matagal na nilang hinihintay ang magkaroon ng anak.

 

Sa Instagram post ni Jessy, hindi matatawaran ang kaligayahan ni Jessy sa post pa lang niya.

 

Bahagi ng caption ni, “What a pleasant surprise! We had planned for our church wedding this year but suddenly God gave us this wonderful blessing, proving time and again that God is the master planner.

 

“No matter what your plans are, He has a divine plan for you, one that is definitely BETTER than what you have imagined. His plan is always the best.

 

“We decided to share this wonderful news with you through a video shot in one of God’s houses – a beautiful chapel in Benguet.

 

“For now, our planned church wedding will have to take a backseat until our bundle of joy arrives. This is, by far, the beat surprise we have received in our lives. Indeed, with God all things are possible.”

 

***

 

SA kabila ng napakaraming magagandang comments ng mga netizens at viewers bukod sa consistent high ratings ng GMA Telebabad na “Lolong,” ‘di siguro mawawala ‘yung meron pa rin na namba-bash.

 

Pero para sa bida nito, ang kasalukuyan pa rin nag-e-enjoy sa South Korea na si Ruru Madrid kasama ang girlfriend na si Bianca Umali, obvious na overwhelmed lang siya sa tagumpay na tinatamasa ng serye ngayon.

 

“Ako naman po, nakita niyo naman ako nagsisimula pa lang. Ako po ‘yung sobrang taas ng pangarap ko sa buhay at ito lang po ‘yung sobrang matagal ko nang hinihintay.

 

“Noong binigay po sa akin ang proyektong ito, I’m just very thankful whatever happens. Maging successful man ‘yan or what, kasi alam ko po sa sarili ko na binuhos ko ang lahat ng makakaya ko para po rito sa programang ito.

 

“Pangalawa, ‘yung samahan na nabuo po namin dito while doing the project, hindi po matatawaran. Habambuhay na po ‘yon and ‘yung mga natutunan ko po sa project na ‘to, sa nga veteran actors na nakasama ko at mga baguhan, ‘yun po ang hindi ko makakalimutan.”

 

Sabi pa ni Ruru, mula raw nang maging artista siya, nagkaroon siya ng bagong goal sa buhay at ito ay makapagbigay ng inspirasyon.

 

Gusto rin daw niyang maka-inspire sa iba. Kaya grateful daw siya na through Lolong din, nabibigyan din niya ng inspiration ang mga manonood.

 

“Actually, ‘yung mga natatanggap po naming mga komento, sobrang nakatataba po ng puso.”
Sa isang banda, nasa ikalawang yugto na ang “Lolong” at may mga bagong cast din na makakasama at mapapanood.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • BOC ipinagmalaki ang laki ng koleksyon sa loob ng 10 buwan

    Mayroong nakumpiska ang Bureau of Customs ng kabuuang P72.091 bilyon halaga ng mga smuggled goods mula Enero hanggang Oktubre 2024.     Ayon sa BOC na ang nasabing halaga ay nahigitan nila ang halaga noong 2023 na mayroon lamang na P43.29 -B.     Ang nasabing mga counterfeit na mga produkto na kanilang nakumpiska noong […]

  • PBBM, tinintahan ang batas hinggil sa enterprise-based training

    TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Enterprise-Based Education and Training (EBET) Framework, araw ng Huwebes, Nobyembre 7, sa Palasyo ng Malakanyang.   Itinuturing na isang pangunahing batas ng administrasyong Marcos, ang Republic Act No. 12063 ay alinsunod sa pagsisikap ng pamahalaan na palakasin, i-rationalize at pagsama-samahin ang iba’t ibang enterprise-based training modalities sa isang […]

  • Service Contracting, Libreng Sakay magpapatuloy gamit ang 1.285-B budget-DBM

    PATULOY pa rin na makaka-avail ang mga mananakay ng Libreng Sakay kabilang na iyong nasa  EDSA Busway system,  gamit ang halagang P1.285 billion na ilalagay sa Service Contracting program sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) budget ngayong taon.     Ito’y alinsunod sa Republic Act No. 11936, o Fiscal Year (FY) 2023 General Appropriations […]