Planong online civil service exams matutupad – Palasyo
- Published on October 12, 2020
- by @peoplesbalita
TIWALA ang Malakanyang na maisasakatuparan ng Civil Service Commission (CSC) ang plano nitong online civil service exams.
Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, nagkakaisa sila sa CSC sa planong online exam bilang pagsabay sa new normal ngayong may coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Sinabi nj Presidential Spokes- person Harry Roque, hindi dapat maging hadlang ang sinasabing problema sa internet connectivity.
“Kaya po iyan. Kakayanin po natin iyan. Kung kinakailangan nating kalampagin ang mga [telecommunications] company, gagawin po natin iyan,” ayon kay Sec. Roque.
Magugunitang, nagpaalala na rin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga telecom companies na ayusin ng mga ito ang kanilang serbisyo lalo na at maraming umaasa sa internet ngayong panahon ng pandemya.
“Kulang daw ang telecoms tower. Ginawa ni Presidente… So wala na pong magiging dahilan ang telecoms company kung hindi nila ma-improve iyong ating telecoms facilities at connectivity,” ang pahayag ni Sec. Roque.
Hindi aniya dapat maghintay lang ng bakuna laban sa coronavirus bago bumalik ang mga tao sa kanilang normal na buhay.
Kinakailangang gamitin ang teknolohiya lalo na’t marami ang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 crisis, at may mga bukas na posisyon at trabaho sa gobyerno. (Daris Jose)
-
Ads August 26, 2020
-
Dalawang gowns ang inirampa sa ‘VIFF’… JANINE, napagkamalang European actress dahil sa kakaibang ganda
FIRST time nakarating sa Venice, Italy si Janine Gutierrez, dumating siya doon ng August 28 at umuwi ng September 4. Dumalo si Janine sa 81st Venice International Film Festival para sa pelikula niyang ‘Phantosmia’ ni Lav Diaz na four hours and fifteen minutes ang haba. Ano ang feeling habang isa-isang tinatawag […]
-
Ads May 7, 2021