Planong online civil service exams matutupad – Palasyo
- Published on October 12, 2020
- by @peoplesbalita
TIWALA ang Malakanyang na maisasakatuparan ng Civil Service Commission (CSC) ang plano nitong online civil service exams.
Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, nagkakaisa sila sa CSC sa planong online exam bilang pagsabay sa new normal ngayong may coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Sinabi nj Presidential Spokes- person Harry Roque, hindi dapat maging hadlang ang sinasabing problema sa internet connectivity.
“Kaya po iyan. Kakayanin po natin iyan. Kung kinakailangan nating kalampagin ang mga [telecommunications] company, gagawin po natin iyan,” ayon kay Sec. Roque.
Magugunitang, nagpaalala na rin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga telecom companies na ayusin ng mga ito ang kanilang serbisyo lalo na at maraming umaasa sa internet ngayong panahon ng pandemya.
“Kulang daw ang telecoms tower. Ginawa ni Presidente… So wala na pong magiging dahilan ang telecoms company kung hindi nila ma-improve iyong ating telecoms facilities at connectivity,” ang pahayag ni Sec. Roque.
Hindi aniya dapat maghintay lang ng bakuna laban sa coronavirus bago bumalik ang mga tao sa kanilang normal na buhay.
Kinakailangang gamitin ang teknolohiya lalo na’t marami ang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 crisis, at may mga bukas na posisyon at trabaho sa gobyerno. (Daris Jose)
-
House leaders, governors suportado si Robredo
DALAWANG lider sa Kongreso at limang gobernador ang kamakailan ay naghayag ng kanilang suporta para sa kandidatura pagka-Pangulo ni Vice President Leni Robredo. Ang mga kaalyado na ni Robredo at nangakong ikakampanya siya ay sina House Deputy Speakers Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro 2nd District congressman) at Mujiv Hataman (Basilan congressman) at mga […]
-
Comelec, nag-isyu ng ‘Notice to Remove’ campaign materials
PADADALHAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato ng ‘Notice to remove ‘ para alisin ang kanilang campaign materials na nakalagay sa mga bawal na lugar. Ilang araw bago ang campaign period ay nag-ikot si Comelec Chairman George Garcia sa Maynila kung saan maraming mga campaign materials ang namataan sa ilang lugar sa […]
-
6,585 na ang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal — NDRRMC
Paparami nang paparami ang bilang ng populasyong apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal sa pagpapatuloy ng mga aktibidad nito habang nasa Alert Level 3, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sa ulat ng ahensya ngayong 8 a.m., Martes, nasa 6,585 na ang naaapektuhan ng pagsabog ng bulkan sa rehiyon ng […]