• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Planong pagbili ng Pinas ng bakuna laban sa ASF, naantala

NAANTALA ang planong pagbili ng Pilipinas ng bakuna laban sa anti-African Swine Flu (ASF).

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque Jr. na ito ang updates sa balak ng pamahalaan na pagbili ng bakuna laban sa ASF.

 

Nauna rito, tinanong kasi ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang bagay na ito kay Sec. Roque lalo pa’t ang suplay ng baboy ay mahirap aniyang makuha hanggang sa may pagakataoon na walang makuha.

 

“Kasama po ‘yan (anti-ASF vaccine) sa whole of nation approach, naantala lang po ang deployment ng ASF vaccine kasi mataas po ang demand at mas inuna po iyong COVID-19 [vaccines],” ayon kay Sec. Roque.

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Sec. Roque na naglaan na ang pamahalaan ng sapat na hakbangin para tugunan ang problema sa ASF habang nakabinbin ang deployment ng ASF vaccines.

 

“Meanwhile po, magbibigay po tayo ng insurance sa mga magbababoy para hindi po sila tuluyang malugi at magkaroon sila ng kumpiyansa na magsimula ulit pagkatapos nila masalanta ng ASF,” aniya pa rin.

 

Samantala, batay naman sa record ng Department of Agriculture, dahil sa ASF, may 4 na milyong baboy na ang namatay sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

At ang resulta, nahaharap ang National Capital Region sa matinding pagdurusa sa suplay ng baboy at manok na nagresulta naman ng paiba-ibang pagtaas ng presyo nito. (Daris Jose)

Other News
  • Amir Khan balak ng magretiro matapos ang pagkatalo kay Brook

    IKINOKONSIDERA na ni British boxer Amir Khan ang pagreretiro sa boxing matapos na patumbahin siya sa ika-anim na round ni Kell Brooks.     Mula kasi sa simula ay hindi na nakaporma pa ang 35-anyos na si Khan.     Si Khan na nagwagi ng silver medals bilang lightweight boxer sa Athens Olympics noong 2004 […]

  • Moreno at Pacquiao angat sa botohan sa pagka-senador sa 2022 – Pulse Asia Survey

    Nasa unang puwesto sina Manila Mayor Isko Moreno at Senator Manny Pacquiao sa Pulse Asia Survey sa mga tatakbong senador sa 2022 election.     Sinundan ito nina Davao City Mayor Sara Duterte, mamamahayag na si Raffy Tulfo, Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano at Sorsogon Governor Francis Escudero sa top six.     Mayroong 54 […]

  • DOTr: kapasidad ng mga mass transport dati pa rin ngayon ECQ

    Wala nang mangyayaring pagbabawas ng kapasidad ng mga mass transport sa National Capital Region-Plus bubble sa ilalim ng isang linggong pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ).     Ito ang inihayag ng Department of Transportation (DOTr) sa isang statement na kanilang ginawa.     Ang DOTr na siyang naatasan na gumawa ng guidelines tungkol sa […]