Planong pahiyain si BBM, totoo
- Published on June 18, 2022
- by @peoplesbalita
MAYROON diumanong sabwatan para kutyain at ipahiya si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang dungisan ang reputasyon nito.
Tinukoy ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang isang mapagkakatiwalaang source, nagbabala ang dating mambabatas na may ilang grupo mula sa Estados Unidos at Pilipinas ang sinasabing magkasabwat upang gawan ng gulo si Marcos.
“I just picked up what I consider to be a credible information that there are groups in America and in the Philippines planning and preparing to cause serious embarrassment and trouble for our newly-elected President,” ang pahayag nito sa kanyang Facebook post.
Hindi naman dinetalye ni Enrile ang sinasbaing sabwatan para dungisan ang imahe ni Marcos.
Gayunman, sinabi nito na magbibigay siya ng karagdagang detalye sa “proper official” ng incoming Marcos administration “in due time.”
“Caution is the name of the game. You are just starting you[r] travel in troubled waters. Your adversaries have not stopped. To borrow a phrase from someone, right now ‘they are hiding their brightness and biding their time,’” ayon kay Enrile.
Pinayuhan naman ni Enrile ang incoming security officials ng administrasyong Marcos na paigtingin ang kanilang intelligence gathering.
Sinabi nito na ang “soft and pacific” na paninindigan para payapain ang mga kritko ay hindi magandang ideya.
“I have a humble unsolicited advice for the national security officials of the new regime. Instead of making soft and pacific statements seemingly intended to quiet and to gain the cooperation, trust, and confidence of the habitual trouble makers in this country, I suggest that they should sharpen their intelligence information,”ayon kay Enrile.
Ang babala ni Enrile ay inihayag nito dalawang linggo bago pa ang oath-taking ni Marcos bilang pang-17 Pangulo ng bansa.
Idaraos ang inagurasyon ni Marcos sa National Museum of the Philippines sa Maynila sa Hunyo 30. (Daris Jose)
-
After na gumanap sa iba’t-ibang supporting roles: JOSEF, nag-enjoy dahil na-challenge sa daring scenes at type makatrabaho si ANGELI
MAY kasabihan nga tayo na YOLO, “You Only Live Once.” Kaya dapat wag kang matakot sumubok ng mga bagong bagay. Pero minsan, sa kagustuhan nating masubukan ang lahat, nalilimutan natin na may mga bagay na hindi natin dapat gawin. Panoorin kung paanong makikipaglaro sa apoy ang tatlong taong mapusok at mapangahas sa pinakabagong Vivamax Original […]
-
P1M premyo sa LGBA Cocker of the Year – Crisostomo
IHAHATAG pa rin ang 2020 Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) Cocker of the Year series second leg sa Pasay City Cockpit sa susunod na Lunes, Marso 16, tampok ang 7-bullstag derby na may premyong P1M. “Asinta ng mga kalahok na umabante pa sa COTY series na mga hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000,” […]
-
Para mai-share ang talent sa international stage: CHANTY, happy na nabigyan din ng opportunity tulad ng SB19
FLATTERED raw si Wilma Doesnt na maging bahagi ng main cast ng GMA top-rating show na ‘Abot Kamay Na Pangarap’. Lahad niya, “Alam mo nakaka-flatter, kasi bago ako naging ninang ni Analyn, ninang na talaga ako ng marami kong pamangkin. “So ngayon si Analyn ang nagpa-confirm na ako talaga ang tunay na ninang […]