PLDT nagdagdag pa ng 2 players
- Published on January 21, 2022
- by @peoplesbalita
DALAWANG players ng Perlas Spikers ang nagtawid-bakod sa kampo ng PLDT Home Fibr para sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference.
Nagpasya sina Heather Guinoo at Jules Samonte na lumipat sa High Speed Hitters matapos magdesisyon ang Perlas Spikers na magsumite ng leave of absence sa liga.
Excited na sina Guinoo at Samonte sa bagong pamilyang sasamahan nito sa High Speed Hitters.
“I’m really grateful kasi biglaan lang din na-disband yung Perlas. Akala ko, I was going to be with them for another year pa. It was unfortunate na na-disband yung Perlas but just grateful to have found a home in PLDT,” ani Samonte.
Bagong environment ito para kay Samonte na kadalasang mga Ateneo Lady Eagles ang mga kasama sa kanyang mga dating teams.
“It’s kind of exciting and nerve-wracking because lalabas na naman ako sa comfort zone ko and this time, wala na talaga akong ate na nakasama ko before,” dagdag ni Samonte.
Makakasama nina Guinoo at Samonte sa kampanya sina Rhea Dimaculangan, Chin Basas, Eli Soyud at Nieza Viray na mga tanging holdovers ng High Speed Hitters
Pasok din ang bagong recruits na sina Kath Arado, Jessey De Leon, Mean Mendrez, Dell Palomata, Jovie Prado, Wendy Semana, Fiola Ceballos at Lhara Clavano.
Mamanduhan ang tropa ni head coach George Pascua.
-
Malakanyang, kumpiyansa sa mahigpit na pagpapatupad ng curfew ng mga nasa LGU
NAKASALALAY na sa Local Government Units (LGUs) ang ikapagtatagumpay ng ipinatutupad na unified curfew hours na ang layunin ay mapababa ang numero ng mga tinatamaan ng COVID 19. Umaarangkada na kasi ngayon ang dalawang linggong unified curfew hours na 10pm to 5am sa buong NCR. Sinabi ni Presidential Spokesperson HarryRoque na ang LGU […]
-
Ganap ng batas … Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act nilagdaan na ni PBBM
GANAP ng batas ang Self- Reliant Defense Posture Revitalization Act, matapos itong lagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., kahapon ng umaga bago ito bumiyahe patungong Lao PDR para dumalo sa ASEAN Summit. Ang nasabing batas ay magpapalakas sa lokal na produksyon ng mga armas at kagamitan para sa depensa ng bansa. […]
-
Comelec, patutunayang walang iregularidad sa katatapos na halalan- Malakanyang
IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Commission on Elections (Comelec) na patunayan na walang iregularidad sa katatapos lamang na May 9 national at local elections. Sinabi kasi ng International Observer Mission (IOM) ng International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP) na ang katatapos lamang na eleksyon sa bansa ay “were not free […]