PLM PINURI KALIDAD NG PAGTUTURO, 195 TAKERS PASADO SA 2023 NLE
- Published on June 27, 2023
- by @peoplesbalita
SA PANGUNGUNA ni Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto, ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ng Maynila ang isang resolusyong nagbibigay papuri sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) matapos pumasa ang lahat ng kanilang estudyante sa nakaraang Nursing Licensure Exam (NLE) na nalagpasan ang dating 74.94% na passing rate.
Sa naturang resolusyon na sama-samang iniakda nina Councilors Pamela “Fa” Fugoso, Irma Alfonso-Juson, Louie Chua, at Ernesto “Jong” Isip. Jr., nagkaisa silang purihin ang 195 na nagtapos ng nursing sa pamantasan matapos lahat ay pumasa sa 2023 NLE kung saan 15 sa kanila ang napasama pa sa listahan ng mga topnotchers.
Ang 15 sa mga kabilang sa listahan ng mga topnotchers ay sina Miyu Krista Cuyson Miura na nakakuha ng 3rd place; Karl Russel Abuyo Acuna, 5th place; Pamella Metucua Cordero, 6th place; Dan Precioso Gonzales Cruz, 7th place; Sharmaine Anne Velilla Enriquez, Alexandra Cathlene Infante Pineda, Michaella Valenzuela Umlas na nasa 8th place; Kyla Tolentino Abrencillo, Angelo Jose Mejillano Molina, Jemiline Pascua Olbocm, Shee Ann Mae Doctor Pagasian sa 9th place; at Jed Andrew Stephen Yap Milag, Natasha Mae Basilia Jacinto, Mary Joyce Diane Villotica Lim, at Angelika Arandela Ocampo sa 10th place.
Dahil na rin sa huwarang pagganap, ginawaran ng Professional Regulation Commission (PRC) ang PLM bilang isa sa “Top Performing School” ngayong taon sa NLE.
Mabilis namang inaprubahan ng lahat ng miyembro ng Sanggunian ang resolusyon habang tangan pa ni Vice Mayor Nieto ang gavel.
“With [the] utmost support from Mayor Maria Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan, PLM continues to shine as one of the premier universities in the country,” pahayag ni VM Nieto.
Ang PLM ay isang pamantasang may sariling awtonomiya na pinondohan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na naghahandog na libreng matrikula sa mga matalino at kuwalipikadong estudyante mula sa buong bansa. (Leslie Alinsunurin)
-
Utang ng Pinas, lumobo sa P14.35 trilyon
LUMOBO pa sa P14.35 trilyon ang utang ng Pilipinas nitong katapusan ng Agosto. Sinabi ng Bureau of Treasury (BoT) na ang kabuuang utang ng bansa ay tumaas ng P105.28 bilyon o 10.7 percent mula noong Hulyo dahil na rin sa pagbaba ng piso mula 54.834 hanggang 56.651 laban sa dolyar. Sa […]
-
CZECH REPUBLIC, KASAMA NA RIN SA TRAVEL RESTRICTION
KASAMA na rin ang Czech Republic sa listahan ng mga bansa sa travel restriction, ayon sa Bureau of Immigration (BI) Ito ang sinabi BI Commissioner Jaime Morente sa isang advisory kung saan magsisimula ang travel restriction 0001H ng Enero 28 hanggang sa katapusan ng buwan. “We have received a directive expanding the […]
-
Nadal at Federer magsasanib puwersa sa Laver Cup
NAKATAKDANG magsama sa iisang koponan ang mga tennis star na sina Roger Federer at Rafael Nadal. Nasa Europe team ang dalawa na makakalaban ang ibang mga bansa sa ikalimang edisyon ng Laver Cup. Hindi naman katiyakan kung makakapaglaro ang 40-anyos na si Federer dahil sa tagal ng hindi pagiging aktibo mula […]