• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PMA topnotcher, nagbigay pugay sa 2 ‘mistah’ na nasawi

HINDI nakalimutan ni Cadet Warren Leonor, ang Philippine Military Academy (PMA) ”Madasigon” class valedictorian na magbigay pugay at parangal sa dalawa nilang “mistah” na nasawi.

 

 

Sa valedictory address, binanggit ni Leonor sina Darwin Dormitorio at Mario Telan Jr., na kanyang nakasama noong freshmen o plebo pa lamang sila.

 

 

Ayon kay Leonor, ang pagkamatay ng dalawa nilang mistah ay sumubok sa kanilang klase at hindi umano nila malilimutan ang maikli at masaya nilang samahan sa panahon ng Covid-19 pandemic.

 

 

“You will forever be a cherished part of the Madasigon Class of 2023,” ani Leonor.

 

 

Matatandaang si Dormitorio ay nasawi noong September 2019 dahil sa hazing.

 

 

Dahil dito, dalawang PMA cadets at tatlong doktor mula sa academy ang sinampahan ng kaso.

 

 

Nakita namang patay si Telan sa PMA pool kasunod ng isang swimming class at batay sa ulat ng PNP nalunod ang biktima.

Other News
  • NAVOTAS LUMAGDA SA MOA UPANG MAGTATAG NG SCHOOL PESO DESK

    PUMASOK ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa isang Memorandum of Agreement para sa pagtatag ng isang Public Employment Service Office (PESO) Help Desk sa Navotas Polytechnic College (NPC) at lahat ng senior high school sa Navotas.     Pinirmahan ni Mayor John Rey Tiangco ang MOA kasama si Dr. Meliton Zurbano, Schools Division Superintendent; Dr. […]

  • LTO: “No registration, No travel”

    PINAIGTING ng Land Transportation Office (LTO) ang kanilang polisiya sa “no registration, no travel” kung saan nakipagsanib ng lakas ang LTO sa Philippine Coast Guard (PCG) laban sa mga hindi rehistradong pribado at public utility vehicles (PUVs). Sa huling pakikipagusap ng LTO sa PCG ay nagkaron na ng finalization ang mga strategic plans sa pagpapatupad […]

  • 5 kulong sa higit P138K shabu sa Valenzuela, Malabon

    LIMANG hinihinalang tulak ng iligal na droga, kabilang ang isang lolo ang arestado matapos makuhanan ng higit P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela at Malabon Cities.     Ayon kay P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police, dakong ala-una ng madaling araw […]