• July 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP: 192K pulis ikakalat ngayong holiday season

UPANG masiguro ang kaligtasan at kaayusan sa pagdiriwang ng Pasko ngayong taon, tinatayang nasa 192,000 pulis ang ipakakalat sa buong bansa.

 

 

Ayon kay PNP Chief General Rodolfo Azurin, Jr., titiyakin niya ang police visibility sa lahat ng mga lugar na dinadagsa ng tao.

 

 

“So kailangan nakikita ang ating kapulisan, ang kanilang mga mobile patrol lalo na kung Simbang Gabi dahil madilim pa. So, dapat very visible ang ating pulis para sa ganoon, anytime na kailangan ng assistance ng ating mga kababayan ay nandyan lang po sila,” ani Azurin.

 

 

Bukod sa mga pulis, nakaantabay din ang nasa 29,400 force multipliers sakaling kailanganin sa mga lugar na kailangan ang dagdag na seguridad.

 

 

Tiniyak din ni Azurin na may mga police assistance desks at motorist assistance centers para sa mga nangangailangan ng tulong at responde.

 

 

Sa ngayon aniya, ay wala pa silang natatanggap na mga untoward incidents simula noong Disyembre 16 na pagsisimula ng Simbang Gabi.

 

 

Samantala, pinaalalahanan ni Azurin ang publiko na mag-ingat sa mga shop lifters, at holdaper.

 

 

Aniya, umaatake ang mga ito sa mga shopping malls kung saan sinasamantala ang buhos ng mga nagsa-shopping para sa kanilang mga panregalo.

 

 

“‘Yung mga salisi sa mga malls, sa simbahan, lalo na sa Divisoria… sana pag-ingatan nila ang kanilang kagamitan… maging alerto sa lahat ng oras,” ani Azurin.

 

 

Dagdag pa ng PNP chief, may mga pulis ding magpapatrol kasama ang mga barangay officials upang masiguro na ligtas ang publiko sa pagdiriwang ng holiday season.

 

 

Ito aniya ang resulta kaya wala ng pulis ang pinapayagang mag-leave mula Disyembre 15 hanggang Enero 10, 2023. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • BIR inadjust ang floor prices ng sigarilyo, vape products at iba pa

    NAGLABAS  ang Bureau of Internal Revenue Philippines (BIR) ng mga bagong tax update na nagre-regulate sa floor price ng Sigarilyo, Heated Tobacco, Vaporized Nicotine, at Non-Nicotine Products sa pamamagitan ng pag-isyu ng Revenue Memorandum Circular No. 49-2023 noong Mayo 5.     Alinsunod sa mga umiiral na batas, ang BIR ay may mandato na magbbigay […]

  • Gilas Pilipinas guest team sa 46th PBA 201 PH Cup

    PUWEDENG maging guest team na maaringng manalo ng championship ang Gilas Pilipinas sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup umpisa sa darating na Abril 9.     Ito ang siniwalat ni Commissioner Willie Marcial makalipas ang special PBA Board of Governors meeting nitong Lunes.     Ayon sa kanya, magiging magiging bahagi ng […]

  • Pamana ng ‘BCWMH’ at itinuturing na panganay na anak: ICE, may new entries sa okrayan nila ng nanay-nanayan na si SYLVIA

    NAKA-TAKE 15 si Sylvia Sanchez bago nabuo ang kanyang birthday message para sa itinuturing na panganay na anak na si Ice Seguerra na nagsi-celebrate din ng kanyang 35th anniversary sa showbiz industry.   Ipinalabas nga ang bahagi nito sa celebration ng pop icon last Saturday sa Eat Bulaga.   Pahayag ni Ibyang, “masaya ako doon […]