PNP Cavite, palaisipan sa kaso ng pari na natagpuang nakagapos sa loob ng kotse
- Published on April 5, 2022
- by @peoplesbalita
PATULOY pang iniimbestigahan ngayon ng Cavite Police Provincial Office ang motibo kaugnay sa isang parish priest na natagpuang nakagapos sa loob ng kotse.
Una rito, natagpuan araw ng Linggo sa Silang, Cavite ang pari na naiulat na ilang araw ng nawawala o missing.
Ayon kay Silang chief of police, Lt. Col. Juan Peñafiel Oruga Jr., na bandang ala-1:30 ng hapon kahapon natagpuan sa Barangay Lumi ang pari na nakatali ang kamay nito.
Napag-alaman na ang nasabing pari ay parish priest ng isang simbahan sa Rosario, Cavite.
Sinabi ni Col. Oruga na hindi pa nila nakukuhanan ng salaysay ang pari dahil nasa “state of shock” ito at kasalukuyang ginagamot sa pagamutan.
Nakikipag-ugnayan na rin ang Silang PNP sa Rosario PNP para sa imbestigasyon sa insidente.
Samantala, ayon naman kay Lt. Col Ruther Saquilayan, hepe ng Rosario Municipal Police Station, nakitang nakagapos sa loob ng kanyang sariling sasakyan at buhay ang missing priest na si Rev Fr. Leoben Peregrino, 58. (Daris Jose)
-
JM, nanahimik dahil naging abala sa walong buwan na military training
TSINUGI na sa cast ng GMA teleserye na Owe My Love si Mystica dahil diumano sa attitude problem nito. Ayon sa production, marami raw demands si Mystica at sunud- sunod ang kanyang reklamo sa lock-in taping schedule, sa pagkain at pati ang kasama niya sa kuwarto na si Kiray Celis ay pinag-initan niya. Nireklamo […]
-
PEOPLE’S BALITA, 38 TAON NANG NAMAMAYAGPAG
HINDI lamang isang simpleng pagtitipon ang naganap noong Biyernes, Marso 15, 2024 sa Cabalen Restaurant sa West Ave., Quezon City dahil ipinagdiriwang ng Alted Publication ang 38 taon anibersaryo ng pagkakatatag ng People’s Balita kundi isa ring natatanging araw kung saan nagkita-kita at nagtipon-tipon ang mga taong nasa likod ng publication at mga sumusulat sa likod ng […]
-
Utah Jazz may 3 wins na matapos malusutan sa double overtime ang Pelicans
NANANATILING malinis ang record ng Utah Jazz ngayong bagong seaon ng NBA matapos na manalo na naman at ang panibagong nabiktima ay ang New Orleans Pelicans sa iskor na 122-121 na umabot sa double overtime game. Kumamada ng 31 points, 12 rebounds ang Finnish basketball player ng Jazz na si Lauri Markkanen para […]