PNP chief ipinagbawal na rin ang Christmas party pero may cash gifts sa mga police personnel
- Published on October 23, 2020
- by @peoplesbalita
WALA nang Christmas Party sa Philippine National Police (PNP).
Ito ang binigyang-diin ni PNP chief, Gen. Camilo Pancratius Cascolan kasunod ng hiling ng Metro Manila Council sa iba’t ibang pribadong kompaniya na wala munang Christmas party upang makaiwas sa COVID-19.
Sinabi ni Cascolan, maiintidihan naman ito ng mga police personnel kung wala munang Christmas party.
Ayon sa PNP chief nagdesisyon kasi sila na gamitin ang perang gagastusin sa party para labanan ang pandemya dahil maryoon din silang mga tauhan na apektado ng COVID-19 virus.
Ang hindi pagkakaroon ng party ay paraan din nila para maiwasan ang transmission ng sakit.
Siniguro naman ni Cascolan makakatanggap ng tamang insentibo ang kaniyang mga tauhan lalo na ang frontliner na naging tradisyon tuwing Pasko. Ang pagbibigay ng cash incentives ay bahagi ng pagtaas sa morale ng mga police.
Una nang nasabi ni Cascolan na kanilang pag-aaralan ang pagpapaliban sa Christmas party at sa halip ay austerity measure ang kanilang gagawin. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Pacquiao camp may kontra-demanda sa Paradigm Sports
Nagsampa ng kontra demanda ang kampo ni eigth-division world champion Manny Pacquiao laban sa Paradigm Sports Management. Ipinunto ng Pacquiao camp na hindi natupad ng Paradigm Sports ang mga ipinangako nito tulad ng mega fight laban kay Ultimate Fighting Championship star Conor McGregor at ilang endorsements. Ayon sa pangako ng Paradigm […]
-
Riding-in-tandem na walang helmet, buking sa baril sa Malabon
BINITBIT sa selda ang dalawang lalaki nang mabisto ang dalang baril makaraang masita ng mga pulis dahil kapwa walang suot na helmet habang sakay ng isang motorsiklo sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10054 (Motorcycle Helmet Act of 2009) at RA 10591 (Comprehensive Law on […]
-
Eala umukit ng kasaysayan!
GUMAWA ng kasaysayan si Alex Eala bilang kauna-unahang Pilipinong tennis player na nakatungtong sa finals ng isang Grand Slam event. Nagawa ito ni Eala matapos pataubin si ninth seed Canadian Victoria Mboko, 6-1, 7-6 (5) sa semifinals ng US Open girls’ singles kahapon sa USTA Billie Jean King National Tennis Center sa Flushing […]