• March 22, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP chief ipinagbawal na rin ang Christmas party pero may cash gifts sa mga police personnel

WALA nang Christmas Party sa Philippine National Police (PNP).

 

Ito ang binigyang-diin ni PNP chief, Gen. Camilo Pancratius Cascolan kasunod ng hiling ng Metro Manila Council sa iba’t ibang pribadong kompaniya na wala munang Christmas party upang makaiwas sa COVID-19.

 

Sinabi ni Cascolan, maiintidihan naman ito ng mga police personnel kung wala munang Christmas party.

 

Ayon sa PNP chief nagdesisyon kasi sila na gamitin ang perang gagastusin sa party para labanan ang pandemya dahil maryoon din silang mga tauhan na apektado ng COVID-19 virus.

 

Ang hindi pagkakaroon ng party ay paraan din nila para maiwasan ang transmission ng sakit.

 

Siniguro naman ni Cascolan makakatanggap ng tamang insentibo ang kaniyang mga tauhan lalo na ang frontliner na naging tradisyon tuwing Pasko. Ang pagbibigay ng cash incentives ay bahagi ng pagtaas sa morale ng mga police.

 

Una nang nasabi ni Cascolan na kanilang pag-aaralan ang pagpapaliban sa Christmas party at sa halip ay austerity measure ang kanilang gagawin. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Takot at nanginginig nang magpa-root canal: SHARON, aminadong hindi matapang pagdating sa mga dentista

    SA Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta, shinare niya ang isang video last March 8 habang nasa sa dental chair at bago sa gagawing treatment na labis niyang ikinatatakot.     Caption ni Mega, “Please pray for me. Am about to get a root canal now.”     Say pa ni Sharon one-minute videro, “Hi, […]

  • Takbuhan sa mga kalsada malabo pang makabalik

    Extended pa ang General Community Quarantine (GCQ) classification sa National Capital Region (NCR) Plus kasama ang Laguna at Cavite sa ilalim ng  ‘heightened restrictions’ hanggang Hulyo 15.     Base iyan sa huling pahayag ng Malacañang Palace.     Nangangahulugan din itong malabo pa rin talagang makabalik ang road racing o mga patakbo sa mga […]

  • Ads November 25, 2021