• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP handa sa posibilidad na extension ng ECQ

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na  nakahanda sila sakaling palawigin pa ang  implementasyon ng  enhanced community quarantine sa Metro Manila.

 

 

Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo ­Eleazar,  ipinatutupad lamang nila ang  mga rekomendasyon kung ano ang iutos ng national government at health experts.

 

 

Aniya, ang  mga Metro Manila mayors  at opisyal ng  Inter Agency Task Force (IATF) ang may karapatan  na magsabi at magdesisyon kung dapat  ang extension ng ECQ sa NCR .

 

 

Tanging tungkulin ng  pulis ay masiguro na sinusunod ng  mga nasa lansangan ang  minimum public health standards kabilang na ang  pagsusuot ng face mask at face shield.

 

 

Una nang nagpahayag ng  posibilidad ang Department of Health ng extension ng  ECQ sa NCR dahil sa pagtaas ng  bilang ng COVID cases.

 

 

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nanatili ang posibilidad bunsod na rin ng projections subalit kailangan pa ring  pag- usapan ito ng IATF.

 

 

Isinailalim ang  Metro Manila sa ECQ noong Agosto 6  na magtatagal hanggang  Agosto 20 dahil sa banta naman mas nakakahawang ng  Delta variant.

Other News
  • MARK at NICOLE, proud and happy sa pagdating ni BABY CORKY

    SINILANG na ni Nicole Donesa ang baby boy nila ni Mark Herras noong January 31.     Sa Instagram post ni Mark, ang buong pangalan ni Baby Corky ay Mark Fernando Donesa Herras.     “Hi I’m Corky” caption pa ni Mark.     Sa IG Stories nila Mark at Nicole, nag-share sila ng videos […]

  • OPISYAL NG MPD-STATION 7 SINIBAK SA PUWESTO

    TINANGGAL na sa puwesto ang ilang opisyal ng Manila Police District (MPD) -Station 10 matapos na nasangkot sa pangha-harras sa isang miyembro  ng media sa Maynila.   Ito ang kinumpirma  ni MPD District Director Brig.General Leo Francisco kasabay ng isasagawang imbestigasyon ng D7 sa pangyayari.       Ang pagsibak sa mag opisyal ng MPD-Station […]

  • Magkatulad sila ni Piolo: GLADYS, may tatlong nominasyon sa ’40th Star Awards for Movies’

    TATLONG nominasyon ang nakuha ng premyadong aktres Gladys Reyes sa PMPC 40th Star Awards for Movies. Nominado si Gladys bilang best aktres, best supporting actress at PMPC Darling of the press. Matandaang tinanghal na Best Actress si Gladys  sa nakaraaang Metro Manila Summer Film Festival mula sa pelikulang “Apag” na kung saan sa naturang pelikula […]